Hindi dapat paghaluin ang argumento sa kasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 345 total views

Hindi nararapat na maapektuhan o mabago ang tunay na interpretasyon sa kahulugan ng sakramento ng kasal dahil lamang sa ibang mga argumento na ikinakabit dito.

Ito ang binigyang diin ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza kaugnay sa argumento ng mga nagsusulong sa pagsasabatas ng Same Sex Marriage na magkaroon ng pantay na karapatan sa ari-arian at yaman ang mga nagnanais na magpakasal mula sa LGBTQ community.

Iginiit ng mambabatas na hindi dapat paghaluin ang karapatan sa pagmamay-ari ng ari-arian at yaman ng magkabiyak sa buhay at ang kasal na ang tuwirang diwa at pakahulugan ay ang pagsasama ng isang babae at lalake upang bumuo ng isang pamilya.

Paliwanag ni Atienza, walang kinalaman ang pagmamay-ari ng mga ari-arian sa pagbabago ng interpretasyon ng kasal ng isang sagradong sakramento.

“Pinaghahalo nila yung argumento, iba yung karapatan sa pagbibigay ng ari-arian, iba yung babaguhin ang interpretasyon sa ibig sabihin ng kasal ang kasal ay kasal ang pagsasama ng isang babae at lalake na ang pakay ay bumuo ng pamilya. Sinasabi nilang argumento yung karapatang magbigay ng mana let us not touch on the sacredness hindi naman nagkakasal para lang sa kasiyahan.” pahayag ni Atienza sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ikinagalak ng mambabatas ang resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station kung saan lumabas na 61-porsyento ng mga Filipino ang tutol na gawing legal ang Same Sex Marriage sa bansa kung saan tanging 22 porsyento lamang ang nagsabing sila ay pabor.

Kung susumahin tanging 2 lamang sa 10 Filipino ang pabor sa naturang panukala.

Samantala, naninindigan rin ang Simbahang Katolika sa kasagraduhan ng Sakramento ng Kasal kung saan nasasaad rin sa mismong mga polisiya sa Saligang Batas na pumuprotekta sa pagpapamilya tulad ng Family Code na ang pagpapakasal ay nararapat sa pagitan lamang ng isang lalake at isang babae.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 60,324 total views

 60,324 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 134,938 total views

 134,938 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 215,017 total views

 215,017 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 258,156 total views

 258,156 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 255,641 total views

 255,641 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top