Archdiocese ng Manila, suportado ang laban ng mga manggagawa ng NutriAsia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Sinusuportahan ng Simbahang Katolika partikular ng Arkidiyosis ng Maynila ang mga manggagawa ng NutriAsia at maging ng iba pang manggagawa sa bansa na nakikipaglaban para sa karapatang mabigyan ng maayos na benipisyo at disenteng hanapbuhay.

Sa pahayag na inilabas ng Archdiocesan Ministry for Labor Concerns, mariin nitong kinundena ang karahasan na ginawa ng mga otoridad laban sa grupo ng manggagawa na nagsagawa ng kilos protesta.

“Hindi katanggap-tanggap ang naganap na karahasan at pananakit sa mga manggagawa ng NutriAsia kamakailan, nang buwagin ng pinaghalong puwersa ng kapulisan at mga guwardya ang picketline ng mga manggagawang naglunsad ng lehitimong welga.” pahayag ng Arkidiyosis.

Nanindigan din ang Ministry na dapat i-regular ng mga kumpanya ang mga manggagawa dahil mahalagang tungkulin ang kanilang ginagampanan upang lumago ang isang negosyo.

Gayunman, ikinalulungkot ng Archdiocesan Ministry for Labor Concerns ang laganap na kawalan ng katarungan sa sektor ng manggagawa kung saan patuloy ang pag-iral ng kontraktuwalisasyon kung saan hindi naibibigay ang nararapat na pasahod at benepisyo.

“Ganito ka-imoral ang kontraktwalisasyon. Habang pinayayaman ng lakas-paggawa ang mga negosyante, nananatiling kontraktwal at mahirap ang mga manggagawang nag-aalay ng lakas at talento kapalit ng suweldo. Ang ganitong hindi makatarungang relasyon sa trabaho ay hindi lamang sa NutriAsia nangyayari kundi sa buong bansa.” Bahagi ng pahayag

Kinundena rin ng simbahan ang mababang pasahod sa mga manggagawa sa NutriAsia na 380 – piso lamang na hindi sapat para matustusan ang pamilya dulot na rin ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bukod dito hindi rin natatanggap ng mga manggagawa ang tamang halaga katumbas ng Service Incentive Leave, kulang na 13th month pay, hindi pagbabayad sa SSS at PAG-IBIG at hindi pagbibigay benepisyo sa mga manggagawang naaksidente sa oras ng paggawa.

Kaisa ng mga manggagawa, patuloy na manindigan ang simbahang katolika para sa kapanakan ng lakas-paggawa sa bansa para sa regularisasyon, makatarungang sahod at benepisyo dahil ito ang moral at nararapat na hakbang sa paglaban sa karapatan ng bawat manggagawa.

Magugunitang ika – 14 ng Hunyo ng maganap ang marahas na pagbuwag sa halos 300 manggagawa ng NutriAsia kung saan 20 ang nasugatan habang 21 naman ang inaresto ng pulisya.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Excersens binigyang diin nito na nararapat bigyan ng pagpapahalaga ang bawat manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang pasahod at benepisyo kapalit ng kanilang pagpupurisige na mapaunlad ang negosyo.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,056 total reads

 22,056 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,519 total reads

 47,519 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,962 total reads

 117,962 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,478 total reads

 204,478 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,500 total reads

 247,500 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,367 total reads

 295,367 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top