Genfest 2018 sa World Trade Center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total views

Magsisimula na ang pinaka-malaking pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na tinaguriang “Genfest 2018” sa World Trade Center, Pasay City bukas ika-6 ng Hunyo.

Ayon kay Gio Francisco, isa sa mga Youth Leaders ng Focolare Movement, layunin nito na makalikha ng nagkakaisang mundo sa pamamagitan ng impluwensya ng mga kabataan sa kabila ng pagkakaiba ng mga kultura, lahi, at paniniwala.

Naniniwala ang Focolare Movement na hindi maaaring maging hadlang ang pagkakaiba-iba ng bawat tao upang makalikha ng pagkakapatiran na puno ng pagmamahal.

“We are part of one human family at itong Genfest it promotes the unity yung pagkakaisa ng mga tao na kahit na may pagkakaiba tayo hindi dapat yun gawing hadlang na hindi tayo magkaisa pero mas gamitin natin yun bilang mga tools kung paano tayo maka-connect pa sa kapwa natin para makapagtayo tayo ng isang mas united na mundo.” pahayag ni Francisco sa Radyo Veritas.

Ibinahagi naman ni Rafael Tronquini, isa sa mga kabataan ng Focolare Movement mula sa Brazil, ang kanyang karanasan kung paanong naisasabuhay ang tema ng pagtitipon ngayong taon na “Beyond All Borders”.

Paliwanag ni Tronquini, sa mahigit isang taon pa lamang na pamamalagi niya sa Pilipinas upang tumulong sa pagsasaayos ng Genfest ay naging malaking hamon sa kanya ang malayo sa kanyang pamilya.

Bukod pa dito ang personal na suliraning kinaharap niya dulot ng pagpanaw ng kanyang ama.

“I think this is the moment that God calls me to live Beyond All Borders, this title of this event “Genfest” and also Beyond All Borders, not social borders but also personal borders so it is not easy for me to talk about also this experience because specially what happen to my Dad, but at this moment I think my Dad stayed with me in the Philippines to support this activity and also this is spirituality and in the unity with Chiara Lubich help me for support and also for living very well this moment.” pahayag ni Tronquini sa Radyo Veritas.

Ngayong ika-6 hanggang ika-8 ng Hulyo magtitipun-tipon ang anim na libong mga kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig sa pangunguna ng Youth of Focolare Movement.

Ang “Genfest” na isang Youth festival ay ginaganap kada anim na taon, ngayong 2018 ang 11th edition nito, at sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Asya, at napili ang bansang Pilipinas na pagdausan nito.

Gaganapin ang malawakang pagtitipon sa World Trade Center, at inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang Explo na bukas para sa publiko sa loob ng tatlong araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,922 total views

 62,922 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,791 total views

 58,791 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,993 total views

 94,993 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,153 total views

 103,153 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,224 total views

 127,224 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,333 total views

 325,333 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top