Food sufficiency, hindi prayoridad ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 454 total reads

Nanawagan ang grupo ng Bantay Bigas sa pamahalaan na seryosohin ang pagtutok sa kakapusan ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupo, malaking suliranin sa bansa ang kakulangan sa pagkain dahil hindi prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang katiyakan sa pagkain ng mga Filipino.

“Seryosohin nila ang pagresolba sa kakapusan natin ng pagkain dahil ang Pilipinas ay isang agricultural country. Sa ngayon ay hindi prayoridad ng rehimeng Duterte yung pagkamit natin sa kasiguruhan natin sa pagkain.” pahayag ni Estavillo sa Radio Veritas.

Ito ay kasunod ng panukala ng National Food Authority na taasan ng 8-piso kada kilo ang presyo ng pagbili ng palay sa mga magsasaka sa bansa na kasalukuyang nasa 17 – piso lamang kada kilo.

Sinabi ni Estavillo na magandang balita ito para sa mga magsasaka ngunit duda itong maisakatuparan matapos tanggihan ng NFA Council noong Pebrero ang 2 – pisong pagtaas.

Naniniwala rin ang grupo na malaking tulong para sa mga magsasaka ang panukala ng NFA na 25- piso kada kilo ng palay upang hindi malugi sa pagbenta ng kanilang produkto.

Batay sa pagsusuri ng Bantay Bigas sa Guimba Nueva Ecija, lumalabas na 62- libong piso ang ginagastos ng mga magsasaka sa kada ektarya ng lupang sakahan mula sa pagtanim hanggang sa pag-ani ng mga palay.

“Yung latest research namin dito sa Guimba Central Luzon ay umaabot siya ng P62, 000.00 per hectare per cropping so ganun kataas ang ginagastos ng mga magsasaka na halos lahat yan ay inuutang nila dahil wala naman silang mapagkukunan ng panggastos sa pagsasaka.” dagdag ni Estavillo.

Kabilang sa mga suliranin na kinakaharap ng mga magsasaka sa bansa ang kakulangan sa irigasyon kung saan sa kabuuang 3.4 na milyong ektaryang lupa na may tanim ng palay halos kalahati lamang ang napapatubigan habang ang iba ay umaasa sa ulan at ang kakulangan sa post harvest facilities tulad ng farm to market roads at drying facilities.

Sa pagsusuri pa ng grupo dapat 120 kaban ng palay ang aanihin sa bawat ektarya ng lupang sakahan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sa bigas.

Unang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na dapat bigyan ng kauukulang pansin ang mga magsasaka na malaki ang naiambag sa lipunan at mamamayan sa pagkakaroon ng pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilya.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,355 total reads

 21,355 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,721 total reads

 45,721 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,229 total reads

 116,229 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,739 total reads

 202,739 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,767 total reads

 245,767 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,678 total reads

 293,678 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top