Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi drug test sa mga bata ang kailangan

SHARE THE TRUTH

 457 total views

Mga Kapanalig, iminungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagsasagawa ng mandatory drug testing sa mga mag-aaral na nasa Grade 4sa mga pampublikong paaralan.Bahagi pa rin daw ito ng pagsugpo sa ilegal na droga sa ating bansa. Ipinahihiwatig ng PDEA naang batang nasa Grade 4—na karaniwan ay 10 taóng gulang—ay maaaring gumagamit na ng ipinagbabawal na gamot, kaya’t nararapat lamang daw na sumailalim sila sa drug testing.

Hindi ito ang unang beses na ginawang targetng pamahalaan ang mga bata sa kampanya nitokontra droga. Dahil pabagu-bago at tila wala namang malinaw na datos ang pamahalaan sa bilang ng mga lulong sa ilegal na droga, ano kaya ang basehan ng PDEA upang ipahiwatig na lahat ng bata’y maituturing nang gumagamit ng droga? Ayon sa PDEA, nakahuhuli ang PNP ng mga batang anim na taong gulang at gumagamit ng droga. Ang PDEA naman, nakahuli ng halos 200 drug users at halos 600 na drug pushers na may edad 10 hanggang 17. Hindi raw ba ito maituturing na seryosong problema sa mga kabataan? Hindi pa raw ba ito sapat na batayan para ipa-drug test din ang mga bata?

Inalmahan ng Department of Education o DepEd at maging ng Malacañang angmungkahing PDEA. Hindi raw ito sang-ayon saRepublic Act 9165 o angComprehensive Dangerous Drugs Act. Sa ilalim ng batas na ito,pinahihintulutan lamang angrandom drug testing para sa mga nasa highschoolat kolehiyo na. Sinabi rin ng DepEd na bukod sa labag sa batas ang drug testsamga batang nasa elementarya, malaking gastos para sa pamahalaan ang pagsasagawa nito. Dahil 200 piso kada mag-aaral ang kinakailangan sa bawat drug test,at 14 na milyong mag-aaral ang nasa Grade 4 hanggang Grade 12, aabot ng 2.8 bilyong piso ang gagastusin ng pamahalaan. Paano pa ang pondong kailangan para sa mga programang gagabay sa mga batang mapatutunayang gumagamit ng droga?

Patuloy pa ring ginagawa ng DepEd ang random drug testing sa mga pampublikong high schoolbilang tugonsa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Ang pagmumungkahing PDEA na gawin itong mandatory at sa elementarya pa ayhindi biro at lalong hindi pwedeng basta-basta ipinatutupad. Mahalagang tanungin din natin:
kailangan ba itong gawing mandatory?Kung titingnan ang datos ng PDEA, ilang porsyento lamang ba ng 10 milyong bata edad 10 hanggang 14 ang mgabatang nadakip nila? Sa halip na ituring na suspeksa paggamit at pagtutulak ng droga ang mga bata, hindi kaya mas dapattutukan ang pagbibigay ng programa sa mga batang hinuli ng mga pulis at PDEA? Dapat ding magkaibang programa ang buuin at ibigay sa mga gumagamit ng droga at sa mga nagbebenta nito.

Binibigyang-diinsa mgapanlipunang turo ng Simbahan ang pagkilala sa dignidad at karapatan ng mga bata, lalong-lalo na ng maliliit na bata. Tungkulin ng pamahalaang bigyan sila ng proteksyon sa pamamagitan ng mga akma at maka-batang batas, gaya ng Dangerous Drugs Act na hindi pinahihintulutan ang drug testingsa mga musmos.Ang kailangan ay mga programangmagbibigay ng tamang kalinga sa mga batang sangkot sa droga at mga patakarang hindi nanakawin ang kanilang pagkabata.

Mga Kapanalig, sa halip na drug testing, hindi ba’t mas mainam na bigyan natin ang mga bata ng pagkakataong maging bata—makapaglaro, makapag-aral, at makipagkaibigan? Sa halip na ipilit ang drug testing, hindi ba’t mas kailangang bigyang atensyon ang mga kalagayang nagtutulak sa mga bata na subukan ang ilegal na droga? Makatutulong din ang tuluy-tuloy at angkop na edukasyon tungkol sa masasamang epekto ng pagdodroga. Ito dapat ang tutukan ng pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,372 total views

 5,372 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,127 total views

 11,127 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,390 total views

 18,390 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,375 total views

 26,375 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,910 total views

 33,910 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 5,373 total views

 5,373 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 11,128 total views

 11,128 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 18,391 total views

 18,391 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 26,376 total views

 26,376 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 33,911 total views

 33,911 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,924 total views

 46,924 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,966 total views

 54,966 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,523 total views

 46,523 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,948 total views

 44,948 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,734 total views

 46,734 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,659 total views

 43,659 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,973 total views

 57,973 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,663 total views

 61,663 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,266 total views

 60,266 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,253 total views

 70,253 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top