Digital media platform, inilunsad ng Radio Veritas Asia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total reads

Mahalaga at napapanahon ang pagpapaunlad sa pamamaraan ng pamamahayag sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications sa paglunsad ng digital platform ng Radio Veritas Asia upang mas marami pang mananampalataya ang maaabot ng mabuting balita ng Panginoon.

“Ang ating shift papunta sa digital media is something that is really called for today kasi importante makita natin na we want toreach out more people, we want to evangelize more people.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Ayon naman kay Rev. Fr. Victor Sadaya, CMF, ang general manager ng Veritas Asia, bilang missionary voice ng Simbahang Katolika hindi lamang mga Katoliko Kristiyano sa Asya ang inaabot ng himpilan kundi maging ang iba pang relihiyon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Inaasahan ng Pari na mas higit na mailapit sa tao ang mga Salita ng Diyos at pagsunod sa three – fold mission ng simbahang katolika sa Asya na pagpapahalaga sa usapin ng dignidad ng buhay, relihiyon at ng mga mahihirap.

“Ang Radio Veritas Asia ay hindi lang pumapasok sa lugar kung saan may Katoliko Kristiyano kundi dahil sumusunod ang Radio Veritas Asia doon sa three fold approach to the mission of the asian church namely yung tinatawag nating dialogue of life, dialouge of religion, dialogue with the poor.” saad ni Fr. Sadaya sa panayam ng Radio Veritas.

Bukod dito hinimok din ni Bishop Vergara ang mga kabataan na aktibong makilahok sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos partikular sa social media at masusing suriin ang bawat napapanood at nababasa sa social media na makatutulong sa paghubog ng pagkatao at pagiging mabuting Kristiyano.

1969 ng itinatag ang Radio Veritas Asia upang maging instrumento sa new evangelization ng simbahan.

Halos 5 dekada na ang nakalilipas kasabay ng makabagong teknolohiya ay pinauunlad din ng himpilan ang paglilingkod sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pamamahayag.

Sa susunod na taon ay kapwa magidiriwang ng ika – 50 anibersaryo ang Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 kung saan kapwa layuning higit na maabot at mapalalim ang pananampalataya ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 35,636 total reads

 35,636 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 86,164 total reads

 86,164 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 134,035 total reads

 134,035 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 237,983 total reads

 237,983 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 322,272 total reads

 322,272 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top