Diocese of Cabanatuan, nagpapasalamat sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total reads

Labis ang pasasalamat ng Diocese ng Cabanatuan sa Philippine National Police sa patuloy na masusing Imbistigasyon hinggil sa pagkakapaslang kay Rev. Fr. Richmond Nilo.

Ayon kay Rev. Fr. Noel Jetajobe, Vicar General at tagapagsalita ng Diyosesis, bukod tanging katotohanan at katarungan para kay Fr. Nilo ang hangad nilang makamit.

Ang pahayag ng Pari ay kaugnay sa pagkakahuli kay Omar Mallari noong Biyernes sa Barangay Arenas, Arayat, Pampanga na umamin sa krimen.

“Kami ay totally dependent sa effort ng PNP and in many ways ay nagpapasalamat kasi nakita naman yung effort nila, ngayon para sa amin kung ano man ang kalalabasan nito katulad ng sinasabi namin yun lang po sana ang katotohanan yun lang din naman po yung hinahanap namin nothing but the truth para wala na rin pong inosenteng tao ang magsuffer or mabigyan ng hustisya si Fr. Richmond Nilo.” pahayag ni Fr. Jetajobe sa Radio Veritas.

Bukod dito kinilala rin ng Diyosesis ang Desisyon ng Korte na pagwawalang sala sa naunang Suspek na si Adell Roll Milan dahil sa Mistaken Identity at kawalan ng sapat na Ebidensiya laban sa kaniya.

Sinabi ni Fr. Jetajobe na kung Inosente si Milan ay nararapat lamang itong palayain upang maiwasan ang pagkabiktima ng kawalan ng katarungan.

“Ngayon kung wala naman po talaga siyang kasalanan ay siyempre tama lang din naman yun dahil ayaw naman namin ng double injustice sa bagay na ito. Pinagdasal din po namin na kahit sabihin natin noong una initially siya yung itinuturo, na kung hindi siya ay sana mabigay ang nararapat na Hustisya para kay Mr. Milan.” dagdag ng pari.

Ipinagpatuloy din ng PNP ang Imbestigasyon sa pagkakahuli kay Mallari lalo’t may ilang mga pangalan itong binanggit na may kaugnayan sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo at ang dahilan sa pagpaslang sa Pari.

Kasabay ng pananalangin para sa katarungan ni Fr. Nilo, ipinapanalangin din nito ang pulisya na magampanan ang tungkulin sa paghahanap ng katarungan hindi lamang sa 3 paring biktima ng pamamaslang kundi maging sa lahat ng biktima ng karahasan sa lipunan.

Una nang kinundena ng Simbahang Katolika ang sunod-sunod na pagkapaslang sa mga Pari sa bansa at nanawagan sa mga Otoridad na paigtingin ang pagprotekta sa bawat mamamayan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 23,572 total reads

 23,572 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 51,067 total reads

 51,067 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 121,387 total reads

 121,387 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 207,903 total reads

 207,903 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 250,925 total reads

 250,925 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 298,692 total reads

 298,692 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top