Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,179 total views

Ang Mabuting Balita, 13 Nobyembre 2023 – Lucas 17: 1-6
HINDI NA MAIBABALIK
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya’t mag-ingat kayo! “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo.”
Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima ito sa inyo.”
————
Marahil, wala sa kamalayan ng karamihan sa atin ang mabigat na kahihinatnan ng paggawa ng kasalanan o ang hindi pagiging patotoo kay Kristo. Hindi natin natatanto na ang kasalanan ay mayroong panlipunang dimensyon at hindi personal na gawain lamang. Ito ang dahilan kung bakit napakabilis kumalat ang kasamaan sa kasalukuyan at mayroong malaking epekto sa kinabukasan. Isang halimbawa ay ang isang Kristiyanong pamilya kung saan ang mga anak ay laging dinadala ng kanilang mga magulang sa Simbahan tuwing araw ng linggo, ngunit ang inuugali ng mga magulang sa bahay, pati na sa labas ng bahay, ay hindi tugma sa naririnig ng mga anak sa Banal na Eukaristiya – mula sa mga pagbasa, mga homiliya, mga panalangin hanggang sa mga awit. Sana, hindi tayo mapabilang sa mga mabuti pang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, sapagkat nakakalungkot mang isipin na madalas, ang epekto nito ay HINDI NA MAIBABALIK, lalo na kung mga bata ang mga biktima.
Hindi natin maaaring laging iasa sa Diyos ang pagdagdag ng ating pananalig sapagkat ito ay naitanim na sa bawat isa sa atin. Kung paano ang mga punla ay kailangang alagaan, diligan ng tama, lagyan ng pataba at bungkalin ang lupang tinaniman upang maging mga halaman, mayroon tayong Bibliya, mga Sakramento, mga espirituwal nating karanasan sa Diyos at kapwa, atbp.. TAYO ANG MAGPAPALAGO NG ATING PANANAMPALATAYA. Hindi tayo maaaring umasa sa iba na gawin ito para sa atin.
Panginoon, nawa ang aming pananampalataya ang tumulong sa amin na maging mulat sa kahihinatnan ng mga maling gawain namin at gumawa ng reparasyon sa anumang paraan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 13,686 total views

 13,686 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 87,987 total views

 87,987 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,743 total views

 143,743 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 104,666 total views

 104,666 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,776 total views

 105,776 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,663 total views

 8,663 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

TRIVIAL MATTERS

 418 total views

 418 total views Gospel Reading for August 11, 2025 – Matthew 17: 22-27 TRIVIAL MATTERS As Jesus and his disciples were gathering in Galilee, Jesus said

Read More »

PRACTICAL TIPS

 648 total views

 648 total views Gospel Reading for August 10, 2025 – Luke 12: 32-48 PRACTICAL TIPS Jesus said to his disciples: “Do not be afraid any longer,

Read More »

WATCH LIST

 949 total views

 949 total views Gospel Reading for August 09, 2025 – Matthew 17: 14-20 WATCH LIST A man came up to Jesus, knelt down before him, and

Read More »

NOTHING

 939 total views

 939 total views Gospel Reading for August 08, 2025 – Matthew 16: 24-28 NOTHING Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must

Read More »

ALWAYS BE WARY

 228 total views

 228 total views Gospel Reading for August 07, 2025 – Matthew 16: 13-23 ALWAYS BE WARY Jesus went into the region of Caesarea Philippi and he

Read More »

LISTEN AND FOLLOW

 1,001 total views

 1,001 total views Gospel Reading for August 06, 2025 – Luke 9: 28b-36 LISTEN AND FOLLOW Feast of the Transfiguration of the Lord Jesus took Peter,

Read More »

IN CONTROL

 1,006 total views

 1,006 total views Gospel Reading for August 05, 2025 – Matthew 14: 22-36 IN CONTROL Jesus made the disciples get into a boat and precede him

Read More »

CHRIST PRESENT and VISIBLE

 4,936 total views

 4,936 total views Gospel Reading for August 04, 2025 – Matthew 14: 13-21 CHRIST PRESENT and VISIBLE When Jesus heard of the death of John the

Read More »

RIGHT ATTITUDES

 5,588 total views

 5,588 total views Gospel Reading for August 3, 2025 – Luke 12: 13-21 RIGHT ATTITUDES Someone in the crowd said to Jesus, “Teacher, tell my brother

Read More »

INSTRUMENTS OF EVIL

 5,260 total views

 5,260 total views Gospel Reading for August 2, 2025 – Matthew 14: 1-12 INSTRUMENTS OF EVIL Herod the tetrarch heard of the reputation of Jesus and

Read More »
1234567