Mananampalataya, hinimok ng Santo Papa na italaga ang sarili para sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,745 total views

Sa kanyang Angelus ngayong Linggo sa St. Peter’s Square, hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na italaga hindi lamang ang materyal na yaman kundi pati ang oras, talento, at pagmamahal para sa kapakinabangan ng kapwa, lalo na ang higit nangangailangan sa lipunan.

Pinagnilayan ng santo papa ang Ebanghelyo ni San Lucas (Lk 12:32–48) na nagtuturo ng kahalagahan ng pagbabahagi at pagiging handa.

It is not simply a matter of sharing the material goods we have, but putting our skills, time, love, presence, and compassion at the service of others,” ayon kay Pope Leo XIV.
Aniya bawat tao ay “priceless and unrepeatable” na kaloob ng Diyos na dapat linangin at ipamuhay kasabay ng babala na ang mga kaloob na hindi ginagamit sa tamang paraan ay mawawala at masasayang lamang.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang gawaing may habag at awa ang “most secure and profitable bank where we can entrust the treasure of our existence,” at binanggit ang kuwento ng mahirap na biyudang naghandog ng dalawang baryang tanso ngunit itinuring na pinakamayaman sa lahat.

Tinuran din niya ang pahayag ni San Agustin: “It isn’t gold, it isn’t silver, but eternal life that will come your way… It will be transformed, because you yourself will be transformed,” ipinaliwanag na ang pagbibigay ay hindi lamang nakakapagpabago ng sitwasyon kundi pati ng nagbibigay mismo.

Bilang halimbawa ng tunay na kayamanan, binanggit ng Santo Papa ang isang ina na yumayakap sa kanyang mga anak at ang kasintahang magkasama, na aniya’y tila hari at reyna sa sandaling iyon.

Hinihikayat ng santo papa ang lahat na gawing gawi ang pagmamalasakit sa lahat ng pagkakataon—sa pamilya, parokya, paaralan, o lugar ng trabaho.
Wherever we are… we should try not to miss any opportunity to act with love. This is the type of vigilance that Jesus asks of us,” hamon ni Pope Leo.

Sa pagtatapos, ipinagkatiwala ng Santo Papa ang buong sanlibutan sa makainang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria, “the Morning Star,” upang tulungan ang sangkatauhan na maging mga “watchmen of mercy and peace” sa gitna ng patuloy na mga hidwaan at pagkakahati-hati sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 88,255 total views

 88,255 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 111,414 total views

 111,414 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 132,688 total views

 132,688 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 296,111 total views

 296,111 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top