Premyo para sa mga kaalyado?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 111,765 total views

Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga senador na mamumuno ng iba’t ibang komite sa Senado. 

Makapangyarihan ang mga chairpersons ng mga komite. Sila kasi ang nagtatakda ng itatakbo ng mga batas na inerdorso sa kanilang komite para suriin. Sila ang nagsasabi kung aling mga panukalang batas ang agad na tatalakayin at alin ang hindi muna pag-uusapan. 

Sa Senado, inaasahan nang unang mabibigyan ng committee chairmanship ang mga senador na sumali sa tinawag na supermajority o mga mambabatas na sumuporta sa kasalukuyang senate president. Matapos makuha ang boto ng 19 na senador, nanatiling senate president si Senador Francis “Chiz” Escudero. Indikasyon ito na walang naging epekto ang mabagal niyang pagtugon sa impeachment complaint laban kay VP Sara na iniakyat sa Senado ng mga kongresista. 

Kahit nga sina Senador Bam Aquino at Senador Kiko Pangilinan na pabor na ituloy ang impeachment trial, si Senador Escudero ang piniling maging lider ng Senado. May mga nagsasabing dahil dito, nakuha ng dalawang nagbabalik na senador ang tinatarget nilang mga committee. Si Senator Pangilinan ang mamumuno ng Agriculture, Food and Agrarian Reform Committee. Akma ito sa adbokasiya niya tungkol sa food security at pagpapalago sa sektor ng agrikultura. Basic Education Committee naman ang ipinagkatiwala kay Senador Aquino. Pabor ito sa kanyang adbokasiya tungkol sa edukasyon. 

May mga tumaas naman ang kilay sa pagtatalaga ng mga senador na wala raw sapat na kakayahan o may kaduda-dudang interes para pamunuan ang komiteng hahawakan nila. 

Halimbawa, si Senador Robin Padilla, na walang pormal na pagsasanay sa batas, ay itinalagang chairperson ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes. Dahil ba sa adbokasiya niya ang pederalismo kaya ito ang ipinagkatiwala sa kanya? 

Ang baguhang si Senador Rodante Marcoleta ay ginawang chairperson ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations. Dahil ba ito sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa isang maimpluwensyang sekta?

Si Senador Lito Lapid ay ginawang chairperson ng Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement. Ano raw kaya ang maihahain niyang patakaran tungkol sa urban planning gayong ang probinsyang dati niyang pinamunuan ay lubog sa baha?

Environment, Natural Resources, and Climate Change ang komiteng ibinigay sa isang ring baguhang senador na si Camille Villar. Bakit daw ipinagkatiwala sa kanya ang isang komiteng tumatalakay sa mga batas at panukalang magbabawal sa mga negosyo at industriyang sumisira sa kalikasan? 

Public Works ang komiteng pamumunuan ng kanyang kuya na si Senador Mark Villar. May mga nagtataka sa pagkakatalaga niya sa komiteng ito gayong maraming anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura noong pinamumunuan niya ang DPWH. 

Para naman sa arkitekto ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte na si Senador Bato dela Rosa, ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang ibinigay. Kung may batas na layong bigyang-katarungan ang mga biktima ng war on drugs, baka hindi ito kailanman matalakay.

Wala na tayong magagawa sa mga bumubuo ngayon ng ating Senado. Nakalulungkot lang na tila nagiging larangan ng pagbibigay ng pabor at premyo ang ating lehislatura. 

Pero nasa ating mga mamamayan pa rin ang tungkuling bantayan ang kanilang mga sasabihin at gagawin bilang mga mambabatas at chairman ng mahahalagang komite. Ang paggawa ng batas ay paraan upang maitaguyod ang dignidad ng tao at kabutihang panlahat, mga bagay na pinahahalagahan natin sa Simbahan. Sabi nga sa Isaias 10:1, “Mapapahamak [ang] mga gumagawa ng hindi makatarungang batas…”

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang magamit ang kapangyarihang gumawa ng batas para sa makikitid at personal na interes ng mga mambabatas.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 27,913 total views

 27,913 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 56,264 total views

 56,264 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 123,994 total views

 123,994 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 147,145 total views

 147,145 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 215,287 total views

 215,287 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 27,914 total views

 27,914 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 56,265 total views

 56,265 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 123,995 total views

 123,995 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 147,146 total views

 147,146 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top