156,856 total views
Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan.
Lahatin na natin Kapanalig. Dahil sa call on action ni PBBM sa kanyang ika-apat na SONA., i-audit ang lahat ng flood control projects., dahil sa pag-uulan na dulot ng hanging habagat ay lumubog sa tubig-baha ang Metro Manila at karatig na lalawigan. Saan nga naman ang napupunta ang bilyun-bilyong pisong budget na inilalaan para sa mga flood control project para maiwasan ang malawakang pagbaha?
Ang usap-usapan Kapanalig., ang DPWH daw ang may sala… sila kasi ang may hawak at nagpapatupad ng proyekto. Ang sabi ng DPWH., teka lang., teka muna.
Dahil sa marching order ng pangulo., kanya-kanyang about face ang mga Senador., mga kongresista., mga opisyal ng gobyerno sa maling paggamit sa pondo para sa mga flood control projects.
Si Baguio Mayor Benjamin Magalong, lead convenor ng Mayor for Good Governance (MGG), inilantad ang mga nakikinabang sa alinmang proyekto ng gobyerno na pinopondohan ng taunang General Appropriations Act o GAA.
Ibinunyag ni Mayor Magalong ang tinatawag niyang “anatomy of corruption”, sa government projects., 35%-40% ay napupunta sa kickbacks ng mga politico., 15% ay para sa mga contractor., 10% sa implementing agency., at 30% lamang ang napupunta sa aktwal na proyekto., at mayroon pa., 5-percent ay napupunta kung kanino-kanino. Kaya pala, ang isang(1)-kilometro na flood control project ay naging 300-meters na lamang.
Kung totoo ang sinasabi ni Magalong., tumipak ng bilyunes si Senate President Francis “Chiz” Escudero., Si Senador Bong Go., si Senador Joel Villanueva., mga congressman, gobernadora., mga mayor sa nasabing mga lugar na pinaglaanan ng 150-bilyong pisong budget insertion ni Escudero sa 2025 national budget. Sa budget insertions ni Escudero., 9-bilyon ang mapupunta sa Sorsogon., 12-bilyon para sa Bulacan., Mindoro – ₱8.37 billion.,Batangas – ₱7.32 billion.,Davao – ₱7.2 billion.,Misamis Occidental – ₱6.5 billion.,Quezon – ₱5.9 billion.,Cavite – ₱5.6 billion.,Valenzuela City – ₱4.251 billion.,Cebu – ₱4 billion. Kapanalig., mukhang mapapasama na sa listahan ng mga pinakamayaman sa mundo ng Forbes magazine si Escudero at mga recipient ng budget insertions.
Kapanalig, palusot ni Escudero sa ipinatawag na press conference., demolition job lang ang sinasabing budget insertions sa GAA 2025. OO nga naman, sa maniwala ka o hindi. Pero, nangako si PBBM sa bayan, hindi raw niya sasantuhin ang mga nasa likod ng maling paggamit ng pondo ng pamahalaan., Eh Papano yun Kapanalig, pirmado na ng pangulong Marcos ang 2025 national budget.
Ang sigaw ng mga mambabatas kay Magalong., maglabas ng mga ebidensiya sa sinasabi niyang anatomy of corruption ng mga mambabatas, mga lokal na lider (LGU)., mga contractor ng mga government projects.
Kapanalig, sinasabi ng Isiah 1:4—“Alas, sinful nation,People weighed down with iniquity,Offspring of evildoers,Sons who act corruptly!They have abandoned the Lord,They have despised the Holy One of Israel,They have turned away from Him.” Ganito na ba ang nangyayari sa ating bansa?
Sumainyo ang Katotohanan.




