Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mental health mission, isasagawa ng Cofradía de Tránsito de Nuestra Señora

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,260 total views

Bilang tugon sa lumalalang krisis sa kalusugang pangkaisipan sa bansa, ilulunsad ng Cofradía de Tránsito de Nuestra Señora ang kauna-unahang Mental Health Mission sa darating na August 30, 2025, sa San Nicolas de Tolentino Parish, Bahay Toro, Quezon City.

Ayon kay Rex Jardinero, Pangulo ng Cofradía, layunin ng programa na makapaghatid ng libreng mental health support sa mga mamamayang hindi kayang magpakonsulta sa mga health facilities.

“Bilang konkretong tugon sa hamon na tumulong sa mga nangangailangan ng suportang mental at emosyonal, isasagawa ng Cofradía ang Mental Health Mission,” ani Jardinero.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng paghahanda ng Cofradía para sa ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Salud noong 1634, sa pamamagitan ng mga misyonerong Agustino.

Sa panahong ito, ninanais ng grupo na makilakbay kasama ang mga nahihirapan sa katahimikan, upang ipadama ang paglingap at kagalingang hatid ni Inay Salud.

“Many are silently struggling with emotional and mental burdens. This time, we walk with them — with compassion, with care, and with Inay Salud’s healing love,” saad pa ng grupo.

Ang mental health mission ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng San Nicolas de Tolentino Parish at ng MindBlends Psychological Services, na magbibigay ng konsultasyon sa mga lisensyadong mental health professionals.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Wilfredo II Francis Mina mula sa Guidance and Counseling Program ng University of the Philippines Manila, mahigit 11% ng populasyon ng Pilipinas — o humigit-kumulang 12.5 milyong Pilipino — ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng mental disorders, dulot ng kahirapan, kalamidad, at mga hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Samantala, kamakailan lamang ay nabahala ang Philippine National Police (PNP) sa mahigit 2,000 kaso ng pagpapatiwakal na naitala sa unang anim na buwan ng 2025.

Dahil dito, nananawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos ng mas malalim na pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang tugunan ang lumalalang krisis sa mental health “nang may malasakit at buong puso.”

Para sa mga nagnanais lumahok sa libreng mental health consultation, maaaring magpatala sa pamamagitan ng link na ito: https://forms.gle/7ovdTL2o9bMYB3hN7 o kaya ay i-scan ang QR code para sa one-on-one mental health support sessions na isasagawa sa gabay ng mga lisensyadong health professionals.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 40,970 total views

 40,970 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 108,458 total views

 108,458 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 129,523 total views

 129,523 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 151,519 total views

 151,519 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 185,900 total views

 185,900 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top