Religious life ng mga madre ng RDW, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,562 total reads

Isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya at katapatan sa bokasyon ang ginanap ng Religious of the Divine Word (RDW) ngayong taon, kung saan apat na madre ang nagdiwang ng mahalagang anibersaryo ng kanilang buhay relihiyoso.

Sa kanyang ika-25 anibersaryo bilang madre, nagpasalamat si Sr. Rebee Rose Rivera, RDW sa walang sawang patnubay ng Diyos na nagbibigay-lakas upang manatiling tapat sa kanyang bokasyon.

Sa panayam sa Radyo Veritas, ibinahagi ng madre ang mga pagsubok na hinarap sa loob ng mahigit dalawang dekadang paglilingkod, at ang kanyang panawagan sa mga kapwa lingkod ng simbahan.

“Sa tulong at awa ng Diyos nakarating ako sa estado ng aking religious life na 25 years. Sa mga naglilingkod, hindi nawawala na minsan may mga unos na dumarating sa buhay, pero lagi lang tayong manalig, kumapit sa pag-ibig at awa ng Diyos kasi Siya ang nagbibigay ng katatagan at inspirasyon para magpatuloy sa misyon,” pahayag ni Sr. Rivera.

Kasama niyang nagdiwang ng ika-25 anibersaryo sina Sr. Gresilda Omambac, RDW at Sr. Jeanne Avellani, RDW, habang si Sr. Lorina Cataniag, RDW ay ipinagdiwang naman ang kanyang ika-30 taon sa buhay relihiyoso.

Inalala rin ni Sr. Rivera ang yumaong Obispo Cirilo Almario, noo’y obispo ng Diocese of Malolos, na siyang nagtatag ng RDW noong Disyembre 2, 1991. Layunin ng kongregasyong ito na itaguyod ang Biblical Apostolate ng Simbahang Katolika—isang misyong nakatuon sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ayon sa tala ng diyosesis, isa ang RDW sa tatlong pious associations na itinatag ni Bishop Almario, kabilang ang Sisters of the Divine Shepherd, na nakatuon sa Social Action Apostolate, at ang Religious Catechists of Mary, na nagsusulong ng Catechetical Apostolate.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, muling ipinahayag ni Sr. Rivera ang kanyang pag-asa na mas marami pang kabataan ang tumugon sa panawagan ng Diyos tungo sa buhay relihiyoso.

“Nawa’y mas dumami pa ang mga bokasyon para mas mapaglingkuran natin ang lumalaking kawan ni Hesus, lalo na sa aming gawaing pagpapakilala kay Kristo sa pamamagitan ng Mabuting Balita.”

Nanawagan din siya sa mamamayan na ipagpatuloy ang panalangin para sa mga madre, pari, relihiyoso at lahat ng nagtalaga ng kanilang buhay sa Diyos, upang mapagtagumpayan nila ang bawat hamon sa misyon ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,234 total reads

 33,234 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,865 total reads

 69,865 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,076 total reads

 88,076 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,404 total reads

 172,404 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,272 total reads

 208,272 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,448 total reads

 4,448 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top