Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senadong tumalikod sa tungkulin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 118,321 total views

Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Nakadidismayang pangyayari ito para sa mga nananawagan ng accountability o pagpapanagot sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating gobyerno. Pero hindi na ito kagulat-gulat. 

Noong Miyerkules, halos limang oras na nagdebate ang mga senador kung tuluyan na bang idi-dismiss ang impeachment case matapos sabihin ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment. (Pero linawin nating hindi inaabswelto ng Kataas-taasang Hukuman si VP Sara; may mga mali lang daw sa prosesong ginawa ng Kongreso.) Para sa kilalang kaalyado ng bise presidente na si Senador Rodante Marcoleta, “hilaw na hilaw” ang impeachment complaint na ipinasa ng Kamara sa Senado. Dahil dito, dapat lamang na sundin daw ng Senado ang Korte Suprema, at tuluyan nang ibasura ang reklamo. 

Pero para naman sa mga senador na pinaninindigan ang tungkulin ng Senado na litisin si VP Sara, kailangang hintayin kung ano ang magiging sagot ng Korte Suprema sa motion for reconsideration na ihahain ng mga kongresista. Sa huli, pinalitan ni Senador Marcoleta ang kanyang mosyón—sa halip na motion to dismiss, motion to archive na lamang ang kanyang inihain sa plenaryo. Pinili ng mas maraming senador ang huli.

Sa isang demokrasya, malinaw ang hatian ng kapangyarihan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Kasama sa kapangyarihang ito ang bantayán ang isa’t isa para walang umaabuso at walang gumagamit sa kanilang puwesto para sa pansariling interes. Ang impeachment ay isang paraan para panagutin ang mga opisyal sa ehekutibo at hudikatura. Pulitikal ito dahil pagbabantay sa kapangyarihan ang layunin ng impeachment, pero hindi maiiwasang maiugnay ito sa mga personalidad at alyansa. Kitang-kita natin ito sa nangyari sa Senado.

Bilang sagot sa mga grupong nananawagan na papanagutin si VP Sara sa patung-patong na paglabag sa kanyang tungkulin, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na baka naman kontra lamang sila sa bise presidente. Baka hindi naman accountability ang habol nila. Baka hindi naman sila para sa pagtatanggol sa Konstitusyon. Baka sadyang kinamumuhian lang nila si VP Sara. Kung hindi raw si VP Sara ang pinagtutuunan ng impeachment, ganoon pa rin ba ang kanilang posisyon? 

Angkop ding itanong ang mga ito sa kanya at sa iba pang senador. Para ba sila sa accountability? Para ba sila sa pagtatanggol sa ating Saligang Batas? O baka naman para sila sa kanilang kakampi sa pulitika? Baka para sila sa pagpapatuloy ng baluktot na gawain sa gobyerno? Baka may pinagtatakpan din silang maaaring mabisto kung itutuloy ang impeachment

Malinaw sa ating Konstitusyon na nasa kamay ng Kongreso ang pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng gobyernong hindi maipaliwanag kung paano nila ginasta ang pera ng bayan. Malinaw na tungkulin ng Kongresong siyasatin ang mga hindi maikakailang nagbabanta sa buhay ng iba. Kongreso ang may obligasyon na ituwid ang pamamahalang may itinatago, may pinapaboran, at may layuning hatiin ang mga mamamayan.

Sa ginawang pag-archive ng Senado sa impeachment complaint para alamin at isiwalat ang katotohanan sa mga reklamo kay VP Sara, tinalikuran nito ang mga tungkuling ating nabanggit. Maituturing itong political corruption. Ang political corruption—o katiwalian sa pulitika—ay kahinaan ng isang demokratikong sistema. Bakit? Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ipinagkakanulo nito ang ating mga pinahahalagahang mabuti bilang isang lipunan at ang hangarin nating manaig ang katarungan.

Mga Kapanalig, sa kabila ng mga nangyayari sa ating pulitika, patuloy nating “idalangin.. ang mga [namumuno sa atin] upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos, at marangal.” Paalala iyan sa 1 Timoteo 2:2. Ipagdasal natin ang ating bayan. Huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 4,909 total views

 4,909 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 72,397 total views

 72,397 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 93,462 total views

 93,462 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 116,344 total views

 116,344 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 153,636 total views

 153,636 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

APAT NA DEKADA

 4,910 total views

 4,910 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 72,398 total views

 72,398 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 93,463 total views

 93,463 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 116,345 total views

 116,345 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »
Scroll to Top