Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Most dangerous for journalists”

SHARE THE TRUTH

 19,916 total views

Mga Kapanalig, nasaksihan mismo ng mga nanonood ng livestream ng kanyang programa sa radyo ang pagpatay sa radio anchor na si Juan Jumalon, na mas kilala bilang DJ Johnny Walker sa Misamis Occidental. Nagpanggap na tagapakinig ang suspek na lumusob sa bahay na nagsisilbi ring radio station ni Jumalon. Dalawang beses binaril ang radio anchor habang umeere ang programang pang-umaga ng Gold FM 94.7 Calamba sa Misamis Occidental. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa suspek at isa pa niyang kasama. Inaalam din nila kung may kaugnayan ang krimen sa trabaho ni Jumalon.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (o NUJP), marami silang natanggap na report tungkol sa mga bantang natatanggap ng mga tinatawag na community journalists pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ang mga bantang ito ay mula raw sa mga lokal na pulitiko at kanilang mga tagasuporta. Hindi pa natin alam kung lokal na pulitika rin ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay Jumalon. Anuman ang dahilan, maling-mali ang pumatay ng tao. “Huwag kang papatay”, sabi nga sa Exodo 20:13. 

Nangyari ang pagpatay kay Jumalon ilang araw bago ang anibersaryo ng tinaguriang “Ampatuan massacre”, ang isa sa pinakakarumal-dumal na pagpatay sa mga taga-media sa loob lamang ng isang araw. Ito rin ang itinuturing na pinakagrabeng kaso ng election-related violence sa ating bansa. Matatandaang noong Nobyembre 2009, magsusumite ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkagobernador ng Maguindanao si Esmael Mangudadatu. Ngunit dahil sa mga natatanggap na banta sa kanyang buhay, dinala ang certificate ng kanyang buntis na asawa at iba pang babaeng kamag-anak sa pag-aakalang hindi pagbabantaan ng kanyang mga kalaban ang mga babae. Bilang dagdag na proteksyon, inimbitahan din niya ang ilang mamamahayag para i-cover ang kanilang filing of candidacy. Gayunman, pinahinto pa rin ng isang armadong grupo ang convoy ng misis ni Mangudadatu at pilit na pinadaan sa ibang ruta. Iyon ay patungo sa isang mass grave kung saan sila pagpapapatayin at sama-samang ililibing.

Hindi natigil mula noon ang mga patayang kasama sa mga biktima ang mga mamamahayag. Si Jumalon, ayon sa NUJP, ay ang pang-199 na mamamahayag na pinatay mula noong 1986 kung kailan bumalik ang demokrasya sa ating bansa. Siya ang pang-apat na biktima sa ilalim ng administrasyon ni PBBM. Sinasabing ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakamalayang media, ngunit nananatili naman itong pinakamapanganib para sa mga mamamahayag, lalo na sa mga probinsya at mga nasa radyo, katulad ni Jumalon. Ayon sa 2023 Global Impunity Index, pangwalo tayo sa listahan ng mga bansang “most dangerous for journalists.”

Nakalulungkot na laganap pa rin ang kultura ng pagpatay sa ating bansa, at dapat tayong mabagabag na hindi kakaunti sa mga biktima ay mga mamamahayag. Hindi rin nakatutulong ang mabagal na pagresolba sa mga kaso nila. Ang mga nasa likod ng Ampatuan massacre nga ay nahatulan pagkatapos pa ng sampung taon. Hanggang ngayon, hindi pa rin napananagot ang mga nasa likod ng pagpatay sa kilalang komentaristang si Percy Lapid. Paano pa kaya ang mga biktimang mamamahayag sa kanayunan katulad ni Jumalon?

Mga Kapanalig, kinikilala maging ni Pope Francis ang mahalagang papel ng mga mamamahayag bilang tagapagbunyag ng katotohanang maaaring ikubli sa publiko. Ang pagpatay sa kanila ay pagpatay din sa katotohanan. Hindi ito mangyayari kung magiging sagasig ang gobyerno—lalo na ang mga alagad ng batas—sa pagresolba sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag. Hindi ito mangyayari kung patutunayan ni PBBM ang pahayag niya hinggil sa kaso ni Jumalon na “ang ganitong walang kabihasnang pag-atake sa ating mamamahayag ay walang lugar sa isang demokratikong bansa.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 62,682 total views

 62,682 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 78,854 total views

 78,854 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 118,565 total views

 118,565 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 178,572 total views

 178,572 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 190,863 total views

 190,863 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pasko ng mga OFW

 62,683 total views

 62,683 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 78,855 total views

 78,855 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 118,566 total views

 118,566 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 178,573 total views

 178,573 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 190,864 total views

 190,864 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 157,665 total views

 157,665 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 165,633 total views

 165,633 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 178,404 total views

 178,404 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 178,625 total views

 178,625 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »
Scroll to Top