Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,284 total views

Ang Mabuting Balita, 13 Nobyembre 2023 – Lucas 17: 1-6
HINDI NA MAIBABALIK
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya’t mag-ingat kayo! “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo.”
Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima ito sa inyo.”
————
Marahil, wala sa kamalayan ng karamihan sa atin ang mabigat na kahihinatnan ng paggawa ng kasalanan o ang hindi pagiging patotoo kay Kristo. Hindi natin natatanto na ang kasalanan ay mayroong panlipunang dimensyon at hindi personal na gawain lamang. Ito ang dahilan kung bakit napakabilis kumalat ang kasamaan sa kasalukuyan at mayroong malaking epekto sa kinabukasan. Isang halimbawa ay ang isang Kristiyanong pamilya kung saan ang mga anak ay laging dinadala ng kanilang mga magulang sa Simbahan tuwing araw ng linggo, ngunit ang inuugali ng mga magulang sa bahay, pati na sa labas ng bahay, ay hindi tugma sa naririnig ng mga anak sa Banal na Eukaristiya – mula sa mga pagbasa, mga homiliya, mga panalangin hanggang sa mga awit. Sana, hindi tayo mapabilang sa mga mabuti pang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, sapagkat nakakalungkot mang isipin na madalas, ang epekto nito ay HINDI NA MAIBABALIK, lalo na kung mga bata ang mga biktima.
Hindi natin maaaring laging iasa sa Diyos ang pagdagdag ng ating pananalig sapagkat ito ay naitanim na sa bawat isa sa atin. Kung paano ang mga punla ay kailangang alagaan, diligan ng tama, lagyan ng pataba at bungkalin ang lupang tinaniman upang maging mga halaman, mayroon tayong Bibliya, mga Sakramento, mga espirituwal nating karanasan sa Diyos at kapwa, atbp.. TAYO ANG MAGPAPALAGO NG ATING PANANAMPALATAYA. Hindi tayo maaaring umasa sa iba na gawin ito para sa atin.
Panginoon, nawa ang aming pananampalataya ang tumulong sa amin na maging mulat sa kahihinatnan ng mga maling gawain namin at gumawa ng reparasyon sa anumang paraan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 1,054 total views

 1,054 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 1,054 total views

 1,054 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 114,875 total views

 114,875 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 137,999 total views

 137,999 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 159,182 total views

 159,182 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NEVER GIVE UP

 7,408 total views

 7,408 total views Gospel Reading for April 15, 2026 – John 3: 16-21 NEVER GIVE UP God so loved the world that he gave his only-begotten

Read More »

DIFFICULT TO UNDERSTAND

 8,978 total views

 8,978 total views Gospel Reading for April 14, 2026 – John 3: 7b-15 DIFFICULT TO UNDERSTAND Jesus said to Nicodemus: “‘You must be born from above.’

Read More »

EFFORT

 9,067 total views

 9,067 total views Gospel Reading for April 13, 2026 – John 3: 1-8 EFFORT There was a Pharisee named Nicodemus, a ruler of the Jews. He

Read More »

PROOF

 9,299 total views

 9,299 total views Gospel Reading for April 12, 2026 – John 20: 19-31 PROOF On the evening of that first day of the week, when the

Read More »
Scroll to Top