5,345 total views

32nd Sunday of Ordinary Time Cycle A

Wis 6:12-16 1 Thes 4:13-18 Mt 25:1-13

Sa kalendaryo ng simbahan ang buwan ng Nobyembre ay nagpapaala-ala sa atin ng wakas ng panahon at ng wakas ng ating buhay. Kaya sinimulan natin ito ng pagdalaw sa cementeryo noong November 1 at November 2. Hanggang ngayong Linggo ang mga pagbasa natin ay tungkol sa wakas ng ating buhay. Ito ay darating at hindi natin maiiwasan pero hindi natin ito kinatatakutan. Sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na huwag tayong malungkot sa mga namatay na. Si Jesus ay namatay at muling nabuhay. Bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Jesus – upang isama sa kanya. Kaya ang mga buhay at ang mga namatay ay makakasalubong sa Panginoon pagdating niyang muli upang makapiling niya tayo magpakailanman.
Para sa ating mga Kristiyano ang kamatayan ay hindi ang wakas ng buhay. Ito ay isang pagkikipagtagpo sa Panginoon na pinaniniwalaan at minamahal natin. Sa wakas makakasama na natin siya. Inaabangan natin ang pagkikipagtagpong ito. Ang makakatagpo natin ay ang ating pinaglilingkuran at ang ating minamahal. Kaya ang layunin natin sa buhay ay mahalin ang Panginoon. I love you Jesus. Iyan ang mga huling salita ni Pope Benedict XVI. Iyan din sana ang ating palaging banggitin. I love you Jesus. Mahal kita Jesus.

Ang pakikipagtagpo sa Panginoon ay masaya. Itinutulad ito sa isang kasalanan. Masaya tayong nakikisalo sa kasalanan. May kasaganaan sa kasalanan – maramng pagkain at inumin, may tugtugan, may sayawan, maraming kwentuhan.

Makakasama ba tayo sa kasalan sa kabilang buhay? Oo, kung tayo ay marunong. Ang taong marunong ay well-prepared sa ating inaasahan. Sa ating ebanghelyo ang sampung abay sa kasal ay excited. Isang karangalan kaya ang mapiling abay. Pero naantala ang pagdating ng ikakasal. Lahat sila ay inantok at nakatulog. Pagdating ng ikakasal lumabas ang pagkamatalino ng lima at pagkahangal ng iba. Ang marurunong ay nakahanda. May extra silang langis na dala. Alam nila baka mahuhuli ang ikakasal. Noong humingi sa kanila ng langis ang mga hangal, hindi nila sila binigyan. Matalino sila. Baka kukulangin kung ibabahagi pa nila. Marunong silang mag-calculate. Hindi naman sila sakim, marunong lang sila. Kaya sila ang nakasama sa kasalanan at ang mga hangal ay hindi nakapasok at hindi pinapasok. Ang lesson ng talinhaga: Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras ng pagdating ng wakas. Maging palaging handa. Masaya ang wakas, tulad ito ng kasalanan, pero masaya ito kung makakasama tayo sa salu-salo. Magiging malungkot ito sa hindi makasali sa kagalakan ng Diyos – kasi hindi sila marunong, hindi sila wise.

Pinapakita dito ang kahalagahan ng karunungan. Maraming aklat sa Biblia ay tungkol sa karunungan. Ang ating unang pagbasa ay galing sa Aklat ng Karunungan, the Book of Wisdom. Ang taong marunong ay ang taong naghahanap ng totoong mahalaga sa buhay – mga bagay na talagang may value sa buhay na ito at magdadala din sa atin sa buhay na walang hanggan. Nakakalungkot na hindi na ito pinapansin ng marami ngayon. Ang pinagkakaabalahan ng marami ay ang mga pansamantala at mga materyal na bagay lamang. Ang mga materyal na bagay ay hindi tumatagal – lumilipas, nasisira at nabubulok ang mga ito, tulad ng kagandahan, ng gadgets, ng pera, ng magiging sikat, ng posisyon. Hindi naman ito nagbibigay ng tunay na kaligayahan. Naaaliw lang tayo ng ilang sandali at agad nawawala ang saya natin. Hindi tayo ginawa para sa mga materyal na bagay. Hindi tayo ginawa para sa mga panandalian lang.
Malapit na ang pasko. Inaabangan natin ito, pero kung titingnan natin, mula sa karanasan natin sa maraming paskong dumaan, ang maraming mga pinagkatuwaan natin noon sa pasko ay hindi naman nagbigay ng matagalang kaligayahan. Marami ay pansamantala lang – ang mga damit, ang mga pagkain, ang mga regalo, ang mga bakasyon – wala na ang mga ito.
Paano ba tayo magiging marunong? Huwag tayo mag-alala. Sinabi sa atin sa ating unang pagbasa na ang karunungan ay natatagpuan ng mga naghahanap sa kanya, at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya. Hindi lang na ito ay madaling matagpuan. Ang karunungan mismo ay naghahanap din sa atin. Hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya. Makikita ka niya saan ka man naroon.

Ano nga ba ang karunungang ito? Ito ay walang iba kundi ang kalooban ng Diyos. Wala nang mas mahalaga pa at mas mabuti kaysa ang kalooban ng isang mapagmahal at mahabaging Diyos. Madaling hanapin ang kalooban ng Diyos at ang Diyos mismo ay nagpapaalam ng kanyang kalooban sa handang tumanggap sa kanya. Ang kalooban ng Diyos ay nagdadala sa atin sa mga tunay na mahalaga. Maging bukas tayo dito. Hindi niya tinatago ang gusto niya. Pinapaabot niya ito sa atin kasi alam niya na ito ay makakatulong sa atin. Ito ang nagpapaligaya sa atin. Ang kanyang kagustuhan ay walang iba kundi ang ating kaligayahan at kalayaan. Hindi ito nang-aalipin sa atin, bagkus nagbibigay sa atin ng ating tunay na pagkatao at kadakilaan.

Maging marunong po tayo sa buhay. Hanapin natin ang kagustuhan ng Diyos. Pero hindi lang natin ito hahanapin. Gawin natin ito. Gawin natin ang kalugud-lugod sa kanya at magiging masaya tayo. Gawin natin palagi ang kalugud-lugod sa kanya at magiging handa tayo kailanman siya darating. Ang pagkaabalahan natin ay hindi ang pag-calculate o ang paghula kung kailan magugunaw ang mundo, kung kailan tayo mamamatay, kung kailan muli babalik ang Panginoon. Sinabi ni Jesus na walang nakakaalam nito kundi ang Ama na nasa langit. Ang pagkakaabalahan natin ay ang palaging gawin ang kalugod-lugod sa Diyos. Dito tayo magiging marunong sa buhay at maging handa na ang ating ilawan ay nakasindi kailan man darating ang ikakasal at isasama tayo sa kasalanang walang hanggan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 4,756 total views

 4,756 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »

Proteksyon para sa mga magsasaka

 12,264 total views

 12,264 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »

Panagutin ang dapat panagutin

 23,385 total views

 23,385 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Patatagin ang Pamilya

 45,377 total views

 45,377 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Catechesis on Old Age

 54,474 total views

 54,474 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 2,853 total views

 2,853 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 3,793 total views

 3,793 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 3,787 total views

 3,787 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 7,505 total views

 7,505 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 9,351 total views

 9,351 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 9,348 total views

 9,348 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 13,857 total views

 13,857 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 19,173 total views

 19,173 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 21,331 total views

 21,331 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 23,489 total views

 23,489 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 23,839 total views

 23,839 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 37,309 total views

 37,309 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 37,738 total views

 37,738 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 41,782 total views

 41,782 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 44,538 total views

 44,538 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top