OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,324 total reads

Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered Agencies at media personnel na nakiisa upang maisakatuparan ang matagumpay na 11 Philippine Conference of New Evangalization (PCNE 11) ngayong taon.

Ayon kay Father Jayson Laguerta – PCNE Director, pagsisimula pa lamang ito ng pinaigtingin na pagpapalaganap ng pananampalataya sa Pilipinas at buong mundo.

Ito ay dahil bilang mga sugo ng Panginoong Hesukristo, mahalagang maisakatuparan bilang nag-iisang simbahan ang sama-samang paglalakbay tungo sa mga layunin ng Panginoon para sa sanlibutan.

“Sa ngalan ni Cardinal Jose Advincula, ang Chairman ng PCNE, at Bishop Danny Presto, ang Chairman ng Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga dumalo at nakibahagi sa PCNE XI, Padayon sa Misyon. Hindi natatapos ang ating misyon na ipahayag ang Mabuting Balita ni Hesus sa tatlong araw na pagdiriwang. Patuloy tayong isinusugo ni Hesus na maglakbay ng sama-sama patungo sa kaganapan ng buhay,” ayon sa mensaheng pinadala ni Fr.Laguerta sa Radyo Veritas.

Ito ang pahayag ng Pari sa pagdaraos ng PCNE 11 thanksgiving mass.

Panalangin pa ni Fr.Laguerta ang katatagan ng loob ng bawat organizers at mga nakiisa sa gawain at mas matibay na pundasyon ng pananampalataya upang magsilbing pag-asa para sa kapwa ay pagmimisyon bilang mga katoliko.

“Maging asin at ilaw na nagpapanibago sa ating mga pamilya at pamayanan. Padayon sa misyon. Huwag tayong mapagod sa pagpapaalala ng pag-asa lalo na sa mga taong napapagod na at nawawalan na ng sigla sa kanilang buhay. Padayon sa misyon,” ayon pa sa mensahe ni Fr.Laguerta.

Ang PCNE 11 ay ginanap noong July 18 hanggang 20 sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas kung saan palagi itong idinadaos kada taon.

Ngayon taon ay ipinagdiwang ito sa temang ‘Padayon: Synodal Witnessing of the Faith’ na dinaluhan ng limang libong delegado at kinatawan ng mga parokya sa Archdiocese of Manila at iba pang mga Diyosesis, kongregasyon at religous organization sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 63,426 total reads

 63,426 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 96,154 total reads

 96,154 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 197,980 total reads

 197,980 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 238,538 total reads

 238,538 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 256,426 total reads

 256,426 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 849 total reads

 849 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top