Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagkakasundo ng COMELEC commissioners, masamang senyales.

SHARE THE TRUTH

 223 total views

Hindi makatutulong na makita ng publikong watak-watak at hindi nagkakaisa ang mga kinatawan ng Commission on Elections En Banc.

Dahil dito, nananawagan na si Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa na nararapat nang mag-usap ang COMELEC En Banc upang hindi mabulabog at magdulot ng pagkakahati sa buong kumisyon ang kanilang hindi pagkakasundo-sundo.

Giit ni De Villa, dapat na magkaisa ang pitong kinatawan ng COMELEC En Banc sapagkat hindi rin makatutulong para sa imahe ng kumisyon ang tila pagkaka-watak-watak ng mga COMELEC Commissioners.

“Ang hangarin sana ng PPCRV at ang panalangin din, magkaisa sila kasi pangit eh na parang watak-watak ang En Banc it’s not fair for the management of elections at saka dun din sa mga ranked file yung mga Career People ng COMELEC dahil nahahati din sila, nabubulabog din sila kapag ganung hindi nagkakasundo yung En Banc kaya siguro kailangan mag-usap sila, pi-pito lang sila bakit ba naman hindi makapag-usap?” pahayag ni De Villa sa panayam sa Radio Veritas

Kaugnay nito, hati ang opinion ng COMELEC kaugnay sa nakatakdang Barangay Elections sa darating na Oktubre, kung saan iginiit ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na hindi kumakatawan sa buong En Banc ang nauna ng mungkahi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na ipagpaliban ang halalang pambarangay ngayong taon.

Binigyang diin ni Bautista na nararapat tupdin ng kumisyon ang nakasaad sa batas na pagsasagawa ng Barangay Elections sa darating na Oktubre.

Batay sa Republic Act No. 7-1-6-6, mandato ng Commission on Election ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan at karahasan.

Samantala batay sa tala ng NAMFREL umabot sa 81-porsyento ang vote turnout rate noong nakalipas na eleksyon mula sa 54.6 na milyong rehistradong botante na mayrooong ring pagkakataong bumoto para sa Barangay Elections.(Reyn Letran)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,871 total views

 13,871 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,971 total views

 21,971 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,938 total views

 39,938 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,199 total views

 69,199 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,776 total views

 89,776 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 11,401 total views

 11,401 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Maging mahinahon!

 11,418 total views

 11,418 total views March 10, 2020, 1:25PM Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease.

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Ligtas at disenteng pabahay para sa mga Filipino

 8,984 total views

 8,984 total views Ito ang misyong tutuparin ng BALAI Filipino o Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino Communities Program ng administrasyong Duterte. Sa tulong ng

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Church bells toll against EJK

 8,924 total views

 8,924 total views To:  Archdiocesan Clergy, Religious Communities, Lay Leaders, and Parishioners From: Abp. A. Ledesma, SJ For whom De Profundis church bells toll On this

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top