197 total views
Tiniyak ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi apektado ang mga Overseas Filipino Worker(OFWs) sa tinaguriang Brexit o pagkalas ng Britain bilang miyembro ng 28-nation European Union.
Nilinaw ni Bishop Santos na ang working visa ng mga O-F-W ay mula sa gobyerno ng United Kingdom at hindi ini-issue ng European Union.
Ayon kay Bishop Santos, ang United Kingdom government ang nagha-hire ng mga O-F-W at hindi ang E-U.
“With the Brexit, our OFW, whom more our nurses, there will not be much affected. Why, for me two reasons. 1, the working visas of our OFW are issued by UK government, not by European Union called schengen visas. 2, our OFW are hired by UK government to work in UK and with UK hospitals. And so they can remain in UK and work there. No fear of being to be sent home nor out of work”.pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas
Aminado naman ang Obispo na makakaranas din panandaliang difficulties ang mga O-F-W ngunit kanila itong malalampasan dahil sa pagiging resilient at responsable.
“There will be difficulties and hardships with this Brexit but our OFW can manage everything, it is because there we are known to be responsible with works, respectful with laws and resilient amidst storms in life.” pagtitiyak ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, Umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na hindi magiging “ningas-cogon” o matutulad sa papaalis na administrasyong Aquino ang incoming Duterte Administration sa usapin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na wala halos naitulong at ni hindi man lamang nagpasalamat sa mga bagong bayani ng bayan.
Tiwala si Bishop na tutuparin ni incoming President Rodrigo Duterte ang naipangako nitong pagtulong sa mga O-F-W sa pamamagitan na rin ng pagpapatayo ng sariling Departamento (Department of OFW).
Sinabi ng Obispo na kung matutupad ang pangako, susuportahan ito ng Simbahang Katolika.
Gayunman, mas lalong ikakatuwa ng Obispo kung makakagawa ang bagong administrasyon ng mga trabaho sa bansa upang mabawasan na rin ang bilang ng mga Filipino na nakikipagsapalaran sa abroad upang matiyak ang kinabukasan ng pamilyang naghihikahos sa bansa.
“Hiling natin huwag tayong nakatutok na isang bansa na nagdadala ng manpower, kailangan dito pa lang may trabaho na upang hindi na umalis ang mga Filipino at hindi mahirapan ang pamilya at hindi magkaroon ng brain drain sa bansa.” Ayon pa sa obispo.
Sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 12 milyon hanggang 15 milyon ang mga Filipino sa ibat’-ibang panig ng mundo kung saan mahigit 2 milyon dito nasa Gitnang Silangan.
Nauna na ring ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pahalagahan ang mga OFW sa kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa ekonomiya kung saan nitong first quarter ng 2016 nasa $2.7 bilyon ang remittances nila na mas mataas noong nakaraang taon na $2.4 bilyon lamang.