Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 417 total views

3rd Sunday of Easter Cycle A

Act 2:14.22-33 1 Pt 1:17-21 Lk 24:13-35

Ikatlong Linggo na ngayon ng muling pagkabuhay ni Jesus. Excited pa ba tayo? O, baka naman nasa isip natin, at ayaw lang nating sabihin, tapos na iyan! Tapos na ang Semana Santa. Tapos na ang Easter Vigil, tapos na ang Salubong, tapos na ang pagkabuhay ng Panginoon. Move on na tayo.

Pero sa mga pagbasa natin nandoon pa rin ang excitement. Sa unang pagbasa excited si Pedro nang magbigay siya ng unang panayam, unang pahayag ng simbahan sa mga tao. Nangyari ito sa araw ng Pentecostes noong bumaba ang Espiritu Santo sa kanila. Ang sentro ng kanyang pahayag ay si Jesus, si Jesus na dakila sa kanyang mga salita at mga gawa pero ipinapatay ng mga tao sa mga makasalanan. Ngunit siya ay muling binuhay ng Diyos. Nangyari ang pahayag ni David sa Salmo 16 tungkol sa isang hindi iiwanan sa daigdig ng mga patay at hindi hahayaang mabulok. Ang tinutukoy ni David rito ay hindi siya, kasi alam nila na namatay si David at ang kanyang libingan ay nandoon nga sa Jerusalem. Ang tinutukoy ay ang isang maghahari mula sa lipi niya. Iyan ay si Jesus na muling nabuhay. At mga apostol nga ang mga saksi na ito ay totoo. Excited si Pedro na magbahagi sa lahat tungkol kay Jesus. Sana excited pa rin tayo.

Excited din si Pedro sa pagbabahagi sa kanyang liham na ating binasa ngayon. Maniwala na tayo sa Diyos, sinulat niya. Wala siyang favorite. Pinapahalagahan niya ang bawat isa sa atin ayon sa ating mga ginawa, kaya mamuhay na tayo bilang mga anak ng Diyos. Kahit na nagkamali tayo, tayo ay tinubos na, binayaran na ang ating pagkukulang, hindi ng anumang ginto o pilak o mga bagay na nauubos o nasisira. Tinubos tayo ng dugo ni Jesus, ang alay na walang batik at kapintasan. Sa pag-aalay niya, si Jesus ay muling binuhay kaya katanggap-tanggap ang kanyang bayad. Talagang bayad na tayo! Wala na ang kasalanan natin. Iyan ang ibig sabihin ng pagkabuhay ni Jesus: mabisa ang pag-aalay niya! Wala nang hawak sa kanya, at sa atin man, ang kasamaan.

Ang ating ebanghelyo ay nagpapakita sa atin ng dalawang attitudes tungkol sa pagkabuhay ni Jesus. Ang una ay lungkot at pagkalito at ang pangalawa ay sigla at excitement. Noong hapon ng araw ng Linggo na si Jesus ay muling nabuhay, may dalawang alagad ni Jesus na malungkot na umaalis sa Jerusalem. Iniwan na nila ang mga apostol. I-imagine na lang natin ang kanilang mukha, malungkot at nakatingin lang sa lupa habang mabagal na naglalakad at nagsasalita sa isa’t-isa sa mababang tinig. Sinabayan sila ng isang dayuhan na nagtanong kung ano ang pinag-uusapan nila. Ayaw pa sana nila siya pasalihin sa kanilang pag-uusap pero makulit, nagpupumilit. “Ano ba ang pangyayari na inyong pinag-uusapan?” tanong niya.

Isinalaysay nila ang mga element ng Magandang Balita pero hindi nila ito nakitang magandang balita. Ito ay tungkol kay Jesus na dakila sa kanyang mga salita at gawa ngunit pinapatay ng kanilang mga leaders; ipinapako siya sa krus. Siya pa naman sana ang inaasahan nila na magliligtas sa kanila. Oo, may mga babae noong umagang iyon na nagbalita na nakakita raw sila ng mga anghel na nagsasabing buhay si Jesus at wala na sa pinaglibingan sa kanya. Ganoon din ang nakita ng mga kasama na pumunta sa libingan. Wala ang bangkay pero hindi naman nila nakita si Jesus. Tama ang kwento nila pero hindi nila ito naranasan na Magandang Balita. Nabubulagan sila ng kanilang kalungkutan, ng pagkalito, at ng kakulangan sa paniniwala.

Pinaliwanag ng dayuhan ang tungkol sa Kristo ayon sa Banal na Kasulatan, mula kay Moises hanggang sa mga propeta, na dapat siyang magdusa at mabubuhay na muli. Nag-bible study sila habang sila ay naglalakad. Siguro habang nag-e-explain si Jesus, naliliwanagan na rin ang kanilang isip at umiinit na ang kanilang kalooban. Bumabalik uli ang kanilang sigla. At mas natatanggap na nila ang dayuhan na nagsasalita sa kanila. Napalapit na ang loob nila sa kanya na sa pagdating nila sa Emaus kanila siyang inanyayahan sa hapunan. Kumakain lang tayo sa kapalagayang loob natin.

Sa hapunan kumuha si Jesus ng tinapay, pinagbiyak-biyak iyon at ibinigay sa kanila. Ito rin ang ginawa ni Jesus sa Huling Hapunan. Ito ang ginagawa natin sa Banal na Misa – nagpipiraso ng tinapay. Nabuksan ang kanilang mata! Nakilala nila na si Jesus pala iyong kanilang kasa-kasama. Bigla na ring nawala si Jesus. Hindi na nila kailangan ang kanyang anyong pagkatao kasi nandiyan na siya sa anyo ng tinapay. Iyan na ang presensiya niya sa kanila. Noong nakilala na nila si Jesus, saka naunawaan nila ang pagbabago ng kanilang loob habang pinapaliwanag niya ang Banal na Kasulatan sa kanila. Binubuo ng Banal na Eukaristiya at pinagiging mas liwanag ang ating naiintindihan sa Bibliya. Nakakatulong ang Eukaristiya sa pag-unawa ng mga bagay na nasa Bibliya, at nakakatulong din ang Bibliya sa pagtanggap kay Jesus sa Banal na komunyon. Mahigpit ang kaugnayan ng Bible at ng Banal na Communion. Ang pagbasa sa Bibliya ang naghahanda sa atin upang makilala si Jesus sa Eukaristiya. Kaya nga tuwing nagmimisa tayo mayroon munang mga pagbasa at paliwanag sa Bibliya bago tayo tumanggap ng Komunyon. Ang presensiya ni Jesus sa mga pagbasa ay nagdadala sa atin sa presensiya ni Jesus sa Komunyon.

Noong ma-realize na nila na buhay nga si Jesus, bumalik ang dalawa sa Jerusalem. Siguro kahit na malayo at madilim, mabilis at patakbo silang bumalik sa Jerusalem at bumalik sa grupo na kanilang iniwan na. Pinatotohanan ng grupo na buhay nga si Jesus. Nagpakita siya kay Pedro, sabi nila. Siguro excited na excited ang dalawa sa pagbabahagi ng kanila namang karanasan tungkol kay Jesus. Maingay na silang nag-uusap, nagtatawanan, baka pa nga nagbibiruan. Buhay na buhay silang lahat, kasi buhay nga si Jesus!

Ano ang nagdadala ng pagbago, mula sa kalungkutan papunta sa tuwa, mula sa discouragement papunta sa excitement, mula sa pag-alis papunta sa masayang pagtatagpo muli? Ang turning point, ang pagbabago ay nangyari sa kanilang pakikinig ng paliwag mula sa Bible at sa pagpipiraso ng tinapay. Dito nila naranasan na si Jesus ay buhay.

Hindi na natin kailangan na makita ang mukha at ang makataong katawan ni Jesus. Pero alam natin, at nararanasan natin siya kapag tayo ay nakikinig sa Banal na Kasulatan at nakikinabang sa kanyang katawan. Ang mga ito ay nagagawa natin sa ating Banal na Misa at sa ating sama-samang pagdiriwang tuwing Linggo. Excited ba tayo kapag tayo ay nagsisimba at nagtitipon tuwing Linggo? O baka naman napililitan lang tayo? Kahit na sa simula wala tayong gana kasi gumising pa ng maaga, nagbihis pa at naglakad pa papunta sa simbahan, pilitin natin. Pagsikapan nating pakinggan ang mga pagbasa at ang mga paliwanag. Magdasal at umawit tayo ng sama-sama. Magbalik handog tayo at tumanggap tayo ng komunyon. Mararanasan natin dito ang presensiya ng Diyos. Napapatatag tayo ng Salita ng Diyos, ng komunyon, ng panalangin at ng ating pagsasama-sama. Buhay si Jesus at siya ay nasa ating piling. Alleluia!!!

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 16,339 total views

 16,339 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 22,563 total views

 22,563 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 31,256 total views

 31,256 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 46,024 total views

 46,024 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 53,146 total views

 53,146 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 1,516 total views

 1,516 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 2,828 total views

 2,828 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 5,558 total views

 5,558 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 6,743 total views

 6,743 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 8,223 total views

 8,223 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 10,634 total views

 10,634 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 13,919 total views

 13,919 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 16,353 total views

 16,353 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 18,213 total views

 18,213 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 20,523 total views

 20,523 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 26,650 total views

 26,650 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 24,779 total views

 24,779 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 27,062 total views

 27,062 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 29,968 total views

 29,968 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 30,907 total views

 30,907 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top