Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,261 total reads

20th Sunday in Ordinary Time Cycle A
Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28

Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata sa ibang lahi na hindi mga Hudyo. Sila yata ang bayang pinili ng Diyos. They are the Chosen Race. Ibinigay sa kanila ang Batas ng Diyos na nagbubukod tangi sa kanila sa ibang lahi. Ang tanda ng kanilang pagiging Hudyo ay ang pagtutuli. Kaya mababa ang tingin nila sa mga hindi tuli, ang mga uncircumsized. Ang kaligtasan ay para lang sa mga pinili ng Diyos, sa mga natuli na.

Pero huwag lang tayo tumingin sa mga Hudyo noon. Kasi nangyayari pa rin ang ganitong pananaw sa Israel ngayon. Inaapi ngayon ng mga rightist Jews ang mga hindi Hudyo, kasama na diyan ang mga Muslim at Christian Palestinians na mas nauna sa kanila sa lupain ng Palestina at mas marami sa kanila sa bansa mismo ng Israel. Kinukulong nila ang mga Palestinians sa pamamagitan ng matataas na sementong bakod, sinisira ang kanilang mga bahay at inaagaw ang kanilang mga lupain. Patuloy nilang pinapatay ang mga Palestinians sa Gaza. Talagang genocide na ito, ibig sabihin, ubusan ng lahi kasi pati ang mga bata at mga babae ang pinapatay. At sa West Bank, isang lugar na para sa mga Palestinians, inaagaw nila ang mga lupa at mga bahay nito.

Ang problema ng pag-aaway-away ng mga tao dahil sa lahi, dahil sa magkaibang kulay ng balat at paniniwala ay hindi lang naman nangyari sa Judea noon at sa Israel ngayon. Nangyayari din ito sa maraming bansa sa buong mundo, kahit na sa mga bansang sinasabi nilang maunlad na sila. Nandiyan pa rin ang racism, ang rasismo.

Nangyayari iyan sa America. Mababa ang tingin ng mga whites sa mga itim o mga blacks. Marami sa mga ito ay madaling barilin ng mga pulis nila kasi blacks sila at madaling paghinalaan na gumagawa ng masama. Dahil sa maraming blacks na binabaril ng mga pulis nila, nagkaroon ng kilusang BLACK LIVES MATTER. Naninindigan ito para sa karapatan ng mga Blacks. Pero hindi lang ang mga itim ang tinitingnan na mababa sa America, pati na rin ang mga Asians at ang mga Latinos. Basta na lang inaapi ang mga ito kasi dayuhan ang tingin sa kanila sa America. May racism din sa Europa. Ayaw nilang magpapasok sa Europe ng mga Black refugees na galing sa Africa, ng mga Arabs at Middle Eastern people na galing sa Syria, sa Iraq o sa Afghanistan. Pero ang dami nilang tinatanggap na mga refugees na galing sa Ukraine kasi puti ang mga Ukrainians – kalahi nila. Nangyayari din ang racism dito sa Asia. Tinataboy ang mga Rohingians na galing sa Myanmar na pumapasok sa Malaysia at sa Indonesia. Dito sa Pilipinas nandiyan din ang mababang pagtingin sa ating mga kapatid na katutubo. Ang kanilang karapatan sa kanilang lupang ninuno ay nilalapastangan. Inaagaw ang kanilang ancestral domain. Ayyy! Malaki ang problema ng mundo ngayon sa racism, sa ibang lahi na tinitingan na dayuhan.

Pati na si Jesus sa ating ebanghelyo ngayon ay mayroong ganitong paningin sa simula. Pumunta siya sa lugar ng Tiro at Sidon. Ito’y mga lunsod na nasa labas na ng teritoryo ng mga Hudyo. Doon ay may nakakilala sa kanya na isang babae, isang dayuhan, isang Cananeang tagaroon. May anak siyang inaalihan ng masamang espiritu. Pinakiusap niya ito kay Jesus na pagalingin. “Panginoon,” ang tawag niya, “anak ni David, maawa po kayo sa akin.” Dinedma siya ni Jesus. Hindi siya pinansin. Ngunit patuloy siyang nagmamakaawa sa kanya, na ang mga alagad mismo ni Jesus ay nasuya na o naawa man kaya sa kanya, na sinabi nila kay Jesus: “Pagbigyan na nga po ninyo nang umalis na. Siya’y nag-iingay at susunod-sunod sa atin.”

Ano naman ang dahilan ni Jesus bakit hindi niya pinansin ang babae? Dayuhan kasi siya. Hindi siya Hudyo. Sabi ni Jesus na sinugo siya para lamang sa mga naliligaw na tupa ng Israel. Hindi naman Israelita ang babaeng ito. Pero patuloy pa ring humihingi ng tulong ang babae. Napagsabihan tuloy siya ng masasakit na salita ni Jesus: “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” Aso ang tingin sa kanya ni Jesus. Sa halip na masaktan, mas lalong nagpakababa ang babae: “Oo nga Panginoon, pero ang tuta man ay kumakain sa mumo na nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.” Hindi naman siya nang-aagaw ng biyaya. Mumo lang, tira-tirang biyaya lang, ang kanyang hinihingi. Sa attitude ng tiwala na may ganitong pagpapakumbaba hindi na makatanggi si Jesus. Sumurender na siya. Pinagbigyan niya ang babaeng dayuhan. Pinagaling niya ang kanyang anak.

At saan nanggaling ang ganitong pagpapakumbaba ng ina? Sa kanyang malaking pag-ibig sa kanyang anak. Handa niyang tiisin ang pagkutyang ito dahil sa pag-ibig. Ang kanyang malaking pag-ibig sa anak na may sakit ay nagbunga ng tiwalang matiyaga, at ang tiwala ay nagdala ng pagpapakumbaba.

Pero si Jesus nga ba ay may katangi-tanging pagtingin lang sa mga Hudyo? Para lang ba sa isang lahi ang kaligtasan na kanyang binibigay sa atin? Hindi! Nagtapos ang ebanghelyo ni Mateo sa utos ni Jesus sa kanyang mga alagad na humayo sa buong mundo at gawing alagad niya ang lahat ng bansa – binyagan sila at turuan ang lahat ng mga aral niya.

At ginawa ito ng mga alagad. Sila ay pumunta sa lahat ng bansa at doon pa nga pinatay – si Pedro at si Pablo sa Roma, si Santiago sa Espanya, si Marko sa Egipto, si Tomas sa India, si Judas Tadeos sa Persia. Malakas ang kamalayan ni San Pablo na ang misyon niya ay para sa mga Hentil, para sa mga hindi tuli, sa mga hindi Hudyo. Kahit na siya ay Hudyo, alam niya na ang misyon niya ay hindi para sa kanyang mga kalahing Hudyo, pero umaasa pa rin siya na balang araw ang mga Hudyo ay makakatanggap din ng kaligtasan kasi ang mga Hudyo nga ay ang bayang pinili ng Diyos at hindi nagbabago ang kanyang isip tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. Hindi pa natin alam kung kailan at papaano makakarating ang mga sa pagkilala kay Jesus bilang Kristo at Anak ng Diyos. Pero mangyayari ito.

Ang paglapit sa Diyos at pagtanggap ng kaligtasan ay hindi nagdedepende sa lahi, o dugo, o kulay ng balat. Gusto ng Diyos na ang lahat ay maligtas at makaalam ng katotohanan ng kaligtasan.
Sa Lumang Tipan pa sinabi na ng Diyos ang kanyang balak. Ang mga dayuhan ay makakabilang na sa kanyang bayan kung sila ay buong pusong naglilingkod sa kanya, pinapangilin ang Araw ng Panginoon at tumutupad sa kanyang tipan. Dadalhin din sila sa bundok ng Panginoon sa Sion at makikiisa sila sa kagalakan ng kanyang templo. Doon tatanggapin din ang kanilang mga handog. Makakasamba sila sa Diyos kasi ang templo ng Diyos ay tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng bansa. Sa Lumang Tipan pa lang universal na ang paningin ng Diyos – para sa lahat ang pagsamba sa kanya. Si Abraham at ang lahi na galing sa kanya, ang mga Hudyo, ay pinili ng Diyos upang sa pamamagitan nila ang blessing ng Diyos ay dumating sa lahat ng bansa. Ang pagpili sa kanila ay hindi lang para sa kanilang kapakinabangan. Sila ang magiging tulay upang ang lahat ay makakilala sa Diyos at lumapit sa kanya.

Universal! Pangkalahatan! Iyan ang ibig sabihin ng salitang Katoliko. Tayo ay Katoliko kasi ang lahat ay tinatanggap natin, lahat ng lahi, lahat ng tao, kahit na makasalanan, kasi si Jesus ay dumating upang magpatawad ng mga makasalanan. Isang hamon ang pagiging katoliko kasi madalas may mga bias din tayo, may pagtatangi tayo. Hindi patas ang pagtingin natin sa lahat. May kinikilingan tayo at may isinasantabi tayo. Mababa ang tingin natin sa hindi natin kasama, sa mga nabibilang sa ibang relihiyon. Maging tunay na katoliko po tayo. Pahalagahan at igalang natin ang lahat. Abutin natin ang lahat at ibahagi sa kanila ang pananampalataya na mahal ng Diyos ang lahat at inaabot niya ang lahat ng tao.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,086 total reads

 45,086 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,125 total reads

 43,125 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 77,427 total reads

 77,427 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,252 total reads

 179,252 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 219,809 total reads

 219,809 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 238,636 total reads

 238,636 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 4, 2026

 118 total reads

 118 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 7,452 total reads

 7,452 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 20,609 total reads

 20,609 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 19,271 total reads

 19,271 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »
Scroll to Top