Ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga nasa laylayan, hamon ni Cardinal Advincula sa Little Sisters of Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,691 total reads

Hinamon ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang Little Sisters of Jesus na ipagpatuloy ang kanilang tapat na paglilingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Ito ang mensahe ng kardinal sa paggunita ng kongregasyon sa ika-50 anibersaryo ng kanilang pagdating sa Pilipinas.

Sa pagdiriwang ng kanilang golden jubilee kasabay ng pagdiriwang ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria nitong August 15 sa San Roque Parish, Mandaluyong City, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang limang dekadang presensya ng mga madre ay tanda ng katapatan ng Diyos sa kanilang bokasyon at misyon.

“Fifty years is not simply a measure of time. It is a testimony to God’s faithfulness,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ng kardinal na ang pagdiriwang ng anibersaryo ay pagkilala sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa loob ng limampung taon.

“The anniversary, therefore, is not first and foremost a celebration of what we have accomplished, but of what God has accomplished through his grace,” aniya.

Ginamit din ni Cardinal Advincula ang mensahe ng Mahal na Birheng Maria sa Magnificat upang hamunin ang mga mananampalataya na suriin kung kaninong pamantayan at kapangyarihan ang tunay nilang pinanghahawakan.

“What kingdom are we truly serving? What worldly powers and systems of domination must we resist and help bring to an end? Whose standards have we chosen to follow?” ani ng kardinal.

Ayon kay Cardinal Advincula, itinuturo ng Mahal na Ina ang pagtitiwala sa katarungan ng Diyos, lalo na sa mga panahong pinanghihinaan ang taong makahanap ng katarungan.

“There may be times when we seem to lose or find ourselves at a disadvantage because the values and standards of this world appear to prevail. But everything will ultimately be judged and set right in the Kingdom of Heaven,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Ang hamon ni Cardinal Advincula ay kaakibat ng karisma ng Little Sisters of Jesus, na nakaugat sa espiritwalidad ng Nazareth at Bethlehem na isang buhay ng pagiging payak, pakikiisa at presensya sa mga ordinaryong mamamayan.

“Rooted in the charism, strengthened by communion, and guided by the example of Mary, may the Little Sisters of Jesus continue to move forward together in hope,” giit ni Cardinal Advincula.

Ayon naman kay Sr. Cecilia Grace of Jesus, Sister-in-Charge ng Little Sisters of Jesus Philippines, patuloy na pinagsisikapan ng kongregasyon na mamuhay kasama ng mga ordinaryong manggagawa, kabilang ang mga factory worker, magsasaka, kasambahay at iba pang nasa mababang antas ng lipunan.

“Nais naming ipaalala sa lahat na ang Diyos ay naging isang manggagawang tulad natin,” pahayag ni Sr. Cecilia sa Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan, patuloy na pinaglilingkuran ng kongregasyon ang mga street dweller at iba pang taong walang sapat na tirahan at pagkakakilanlan sa pamayanan.

Pagbabahagi pa ng madre na binubuksan nila ang kanilang tahanan sa mga nangangailangan ng pagkain at, higit sa lahat, nakikinig sa kanilang mga kuwento at sa mga pinagdaraanan.

“Inaalalayan din namin silang makakuha ng mga ID, na napakahalaga upang magkaroon sila ng opisyal na pagkakakilanlan at dignidad,” ani Sr. Cecilia.

Patuloy rin ang kanilang paglilingkod sa mga rural community, kabilang ang mga rural settler sa Masbate na aniya’y kabilang sa mga sektor na madalas hindi napapansin.

Kasabay ng kanilang golden jubilee, hinikayat ni Sr. Cecilia ang mas maraming mamamayan na makiisa sa paglilingkod sa mga mahihina at nangangailangan.

Hindi aniya kailangang maging eksperto o magkaroon ng mataas na pinag-aralan upang makapaglingkod sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan at naisasantabi ng lipunan.

“Hindi kinakailangang nakatapos ng mataas na kurso upang makatulong,” aniya.

Maaari aniyang magsimula sa simpleng pagtanggap, pagpapakain at pagtugon sa pangangailangan ng mga kumakatok sa pintuan.

Ang Little Sisters of Jesus ay itinatag ni Little Sister Magdeleine of Jesus noong 1939 sa Algeria, na nakaugat sa espiritwalidad ni San Charles de Foucauld.

Noong 1976, dumating ang kongregasyon sa Pilipinas sa paanyaya ni noo’y Bishop Bienvenido Tudtud at namuhay kasama ng mga ordinaryong manggagawa, magsasaka at mahihirap, bilang pagpapahayag ng kanilang espiritwalidad ng Nazareth at Bethlehem.

Sa loob ng 50 taon, ipinagpatuloy ng kongregasyon ang tahimik na pakikiisa at paglilingkod, kabilang ang pagtulong sa mga street dwellers at mga komunidad sa kanayunan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,989 total reads

 45,989 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 44,515 total reads

 44,515 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 78,741 total reads

 78,741 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 180,566 total reads

 180,566 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 221,123 total reads

 221,123 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 239,891 total reads

 239,891 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top