Mananampalataya, hinimok ng Arsobispo ng Maynila na tuluran ang Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,708 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria sa buong-buhay na pag-aalay ng sarili, kababaang-loob, at matatag na paninindigan sa katarungan ng Diyos.

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Maria sa Our Lady of the Assumption Parish sa Malate, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang halimbawa ng Mahal na Ina ay mahalaga lalo na sa harap ng mga baluktot na pagpapahalaga at kawalang-katarungan sa mundo.

“Itinuturo sa atin ng ating Mahal na Ina na patuloy tayong magtiwala at manindigan sa katarungan ng Diyos,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, bagama’t maaaring magmukhang talo ang isang tao dahil sa umiiral na maling pagpapahalaga sa lipunan, darating ang panahon na ang lahat ay huhusgahan at isasaayos sa kaharian ng Diyos.

Binigyang-diin ng kardinal na ipinamamalas ng Mahal na Birhen sa mananampalataya ang kababaang-loob sa pamamagitan ng kanyang pag-alay ng sarili sa kalooban ng Diyos.

“Itinuturo sa atin ng ating Mahal na Ina na ang buong sariling pag-aalay ay isang paraan upang matularan natin siya, na harinawa ay magdadala rin sa atin sa kanyang kinaroroonan,” ani ng kardinal.

Samantala, sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Fr. Hans Magdurulang, parish priest ng Our Lady of the Assumption Parish, na ang Pag-aakyat kay Maria sa Langit ay patunay na may patutunguhan ang katapatan at kabutihan ng tao.

“Ang pag-akyat kay Maria sa Langit ay patunay lamang na ang katapatan at kabutihan para sa Diyos ay tunay na may kalalagyan,” ayon kay Fr. Magdurulang.

Aniya, nananatiling napapanahon ang mensahe ng Mahal na Ina, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng bayan na laganap ang katiwalian at kawalang-katarungan, kung saan hinahamon ang mamamayan na manatiling tapat sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok, tukso, at paghihirap.

“Sa gitna ng mga pagsubok, sa gitna ng tukso, sa gitna ng mga hindi magandang nangyayari, sa gitna ng paghihirap, kahit na sa gitna ng pagsubok sa sarili nating buhay, piliin nating maging tapat, katulad ni Maria,” dagdag ng pari.

Binigyang-diin niyang ang katapatan ay dapat makita sa pananalangin at sa paggawa ng kabutihan sa kapwa, bilang konkretong pagsasabuhay ng halimbawa ng Mahal na Ina.
Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng parokya ang ika-74 na kapistahan at ang ika-75 na anibersaryo ng pagkatatag ng parokya.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,758 total reads

 46,758 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 45,511 total reads

 45,511 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 79,693 total reads

 79,693 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 181,518 total reads

 181,518 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 222,075 total reads

 222,075 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 240,798 total reads

 240,798 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top