Ipagpatuloy ang paglilingkod sa kapwa, simbahan at komunidad, panawagan ng CAMASA sa mga nagtapos na iskolar ng CM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,666 total reads

Hinikayat ng Caritas Manila Alumni Scholars Association o CAMASA ang mga dating iskolar ng Caritas Manila na ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa kapwa, Simbahan at komunidad kahit matapos ang kanilang pagiging scholar.

Sa pagdaraos ngayong araw ng 11th General Assembly ng CAMASA, binigyang-diin ni Arnel Alarcon, CAMASA Program Office at Caritas Manila alumnus mula sa Diocese of Cubao, batch 2022, na mahalagang manatiling katuwang ng mga alumni ang Caritas Manila sa pagsusulong ng mga programa at misyon nito.

Ayon kay Alarcon, hindi nagtatapos sa pagtatapos ng pag-aaral ang misyon ng mga dating iskolar bilang Youth Servant Leaders, kundi nagsisilbi itong simula ng panibagong pagkakataon upang maglingkod sa mga nangangailangan at maging instrumento ng pag-asa sa kanilang mga komunidad.

“Maraming salamat po sa lahat ng bumubuo sa Caritas Manila, especially sa Caritas Manila Alumni Scholars Association, sa pangunguna ni President Renato Ramos, at syempre kay Father Anton C.T. Pascual, ang Executive Director ng Caritas Manila. At sa mga kapwa ko alumni na walang sawang sumusuporta lalo na sa Caritas Manila, para sa mga kapwa ko Kamasa members, nawa’y patuloy nating pahalagahan ang biyayang natatanggap natin bilang mga dating iskolar ng Caritas Manila. Dahil sabi nga sa ating mission, hindi natatapos ang ating pagiging youth servant leaders sa pagiging aktibong scholars lamang. Sabi nga, after natin makapagtapos, makapag-graduate at isa na tayong Kamasa, dito na papasok ang building a movement beyond graduation. Sa halip, ito ay simula ng ating pagkakataong maglingkod sa mga kapwa na nangangailangan at magiging instrumento ng pag-asa sa iba, lalong-lalo na sa mga taong nangangailangan. Nawa’y patuloy tayong magkaisa, magtulungan at maging mabuting halimbawa sa mata ng Diyos at siyempre sa ating paglilingkod sa ating simbahan at lalong-lalo na sa mga bagong henerasyon ng ating mga YSLEP,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Alarcon.

Mahalaga rin aniya ang CAMASA bilang ugnayan ng mga dating iskolar upang manatiling konektado, magtulungan at magkaroon ng mga bagong oportunidad para sa trabaho at professional growth, gayundin ang patuloy na paglilingkod sa kanilang mga simbahan at komunidad.

Binigyang-diin ni Alarcon na ang scholarship program ng Caritas Manila ay hindi lamang tungkol sa financial assistance o allowance, kundi nakatuon din sa pagkilala at pagpapaunlad sa kakayahan ng bawat scholar upang maging aktibong bahagi ng paglilingkod sa kapwa.

Hinimok din niya ang mga alumni na magkaisa, magtulungan at maging mabuting halimbawa sa mga susunod na henerasyon ng Youth Servant Leaders, lalo na sa panahong mahalagang pukawin ang kabataan upang maging tapat at aktibong lingkod ng kanilang komunidad.

“Malaki po ang papel ng Kamasa sa patuloy na pagsusuporta sa ating mga scholars. Especially ito po talaga ang samahan ng mga alumni na napakahalaga po para magtulong-tulong, mabuo, at makatulong din sa mga nangangailangan ng mga kabataan. At syempre, sa pamamagitan ng Kamasa, nagkakaroon tayo ng pagkakataong manatiling konektado sa isa’t isa, magtulungan, at magkaroon ng mga bagong oportunidad para sa trabaho po at professional growth. At siyempre, naipagpapatuloy natin ang ating paglilingkod sa ating simbahan. Sabi nga nila, talagang mahalaga nga ang papel ng Kamasa dahil ipinapakita nito ang mga scholarship program na kung saan hindi lamang tungkol sa financial assistance o sabi nga nila sa mga allowance, pinapakita din nito ang pagpapahalaga sa kakayahan ng bawat isa. At natanong mo nga po kung ano ang kahalagahan sa pagiging Speaker ni Atty. Diokno, mahalaga po ito sa mga kabataan, lalong-lalo na po sa panahon ngayon dahil talagang ginigising, pinupukaw ang bawat kabataan na talagang maging tapat sa paglilingkod, lalong-lalo na sa komunidad. At syempre sa Kamasa, sabi nga nila, ang dating iskolar ay hindi lamang nanatiling benepisyaryo; nagiging katuwang din siya sa pagtulong sa mission ng Caritas Manila,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Alarcon.

Giit ni Alarcon, hindi dapat manatiling benepisyaryo lamang ang isang dating scholar dahil sa pamamagitan ng CAMASA, nagkakaroon siya ng pagkakataong maging katuwang sa misyon ng Caritas Manila at isulong ang tinatawag na “movement beyond graduation”—isang paglilingkod na nagpapatuloy lampas sa pagtatapos ng scholarship.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,895 total reads

 46,895 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 45,764 total reads

 45,764 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 79,916 total reads

 79,916 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 181,741 total reads

 181,741 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 222,300 total reads

 222,300 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 241,007 total reads

 241,007 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top