Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 465 total views

1st Sunday of Lent Cycle A

Gen 2:7-9. 3:1-7 Rom 12:12-19 Mt 4:1-11

Ang panahon ng Kuwaresma ay apatnapung araw na pagninilay at pagdarasal ng buong simbahan. Para itong isang espiritual na retreat na tinatalakay ang mahahalagang paksa ng ating buhay kristiyano. Ngayong unang Linggo ng Kuwaresma, ating pagninilayan ang isang karanasan nating lahat: ang tukso o ang pagsubok. Lahat tayo ay tinutukso. Hindi masama ang tukso. Dito sinusubok tayo kung susunod tayo sa Diyos o susuway sa kanya. Pumapasok ang kasalanan kung sumang-ayon tayo sa alok ng kasamaan at ginawa ito.

Sinulat ni Santiago: “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagsubok.” (Santiago 1:1-2) Sinulat din ni San Pablo: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.” (1 Cor. 10:13)

Maliwanag ang katuruan sa atin ng Banal na Kasulatan: lahat ay sinusubok, alam ng Diyos ang nangyayari sa atin at hindi niya pinahihintulutan na magkasala tayo dahil sa pagsubok, binibigyan niya tayo ng paraan at ng lakas upang mapagtagumpayan ang pagsubok. Dahil sa pagsubok lumalakas ang ating pananampalataya.

Sa unang pagbasa tinukso ang mga unang tao, si Adan at si Eba at sila ay nahulog sa pagsubok. Dahil dito pumasok na ang kasalanan sa mundo. Sa ating ebanghelyo si Jesus ay tinukso din, at tatlong beses pa nga, pero hindi siya nahulog sa pagsubok. Ano ang ginawa ni Jesus na napagtagumpayan niya ang pagsubok?

Una, hindi niya kinausap ang manunukso, ang diyablo. Ang salita niya sa Diyablo ay Salita ng Diyos na galing sa Bibliya at pinalayas niya siya. Samantalang si Eba ay nakipagchikahan pa sa ahas, kaya nahulog siya sa pagsubok. Pangalawa, si Jesus ay nasa disyerto. Ito ay isang lugar ng penitensiya at panalangin. Nagpenitensiya si Jesus. Nag-ayuno siya sa disyerto kaya ang unang tukso sa kanya ay tungkol sa pagkain. Siya ay nagdasal ng apatnapung araw. Sa halip, si Adan at si Eba ay nag-go-goodtime sa Paraiso. Ineenjoy nila ang magandang Paraiso na kinalalagyan nila. Hindi sila handa sa pagsubok. Pangatlo, ang palaging sagot ni Jesus sa pagsubok ay ang Salita ng Diyos. Alam ni Jesus ang Bibliya at alam niya ang tamang pag-unawa dito. Ang Diyablo ay gumamit din ng Bibliya pero hindi tama ang kanyang application dito. Ginamit niya ang Bibliya para sa sariling kapakanan. Totoong hindi siya pababayaan ng Diyos. Iingatan siya ng anghel ng Diyos kaya magpabaya na siya, magpatihulog na lang mula sa taluktok ng Templo upang maranasan ang tulong ng Diyos. Hindi lahat na gumagamit ng Bibliya ay tama. Ngayong panahon ng kuwaresma hinihikayat tayo na palakasin ang ating buhay espiritual tulad ng ginawa ni Jesus: Magdasal, mag-asyuno o magpenitensiya at magbasa ng Bibliya. Sa pagbabasa ng Salita ng Diyos nabibigyan tayo ng wastong pang-unawa sa mga pamamaraan ng Diyos at nabibigyan din tayo ng lakas na labanan ang tukso.

Ang mga tukso kay Jesus ay iyan din ang mga tukso sa atin. Naranasan ni Jesus na dinadaanan natin bilang tao. Tinutukso tayo sa laman, na pagbigyan ang hilig ng laman. Kaya nandiyan ang tukso sa katakawan sa pagkain, ang bisyo sa pag-iinom o sa paninigarilyo. Nandiyan ang tukso sa sex at sa droga. Iyan din ang tukso kay Jesus na gamitin ang kanyang pagka-Diyos na punan ang pangangailangan at tawag ng laman.

Tinutukso tayo sa kayabangan. Gusto natin na tayo ay maging sikat at hahangaan ng mga tao. Hinahanap-hanap natin na magkaroon tayo ng maraming Likes sa facebook, gumagastos tayo ng labis para magpaganda, ayaw natin na tumanda kasi magiging laos na tayo. Iyan ang tukso kay Jesus – magpasikat – tumalon siya mula sa taluktok ng Templo. Makikita ng lahat na siya ay pinapatnubayan ng mga anghel ng Diyos. Madali na siyang magkaroon ng mga taga-hanga sa kanyang misyon. Madali siyang makilala ng lahat.

Tinutukso tayo ng kayamanan at kapangyarihan. Gusto natin na yumaman kasi ma-sosolve ang mga problema natin kung mayaman na tayo. Magiging masaya tayo kung mayaman tayo. Kung mayaman tayo magiging makapangyarihan tayo. Makukuha natin ang gusto natin. Matatakot ang mga tao sa atin at susunod sa atin. Kaya ang mga politiko ay gumagastos ng malaki para lang manatili sa poder at ginagamit naman nila ang kanilang poder upang lalo pang magpayaman. Talagang marami ay sumasamba sa Diyablo para maging mayaman at makapangyarihan. Handa silang manloko, mandaya, magsinungaling at pumatay pa para sa kapangyarihan at sa pera. Iyan din ang tukso kay Jesus – na mapasakanya ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan. Maliwanag kay Jesus na ang Diyos lang ang paglilingkuran, siya lang ang masusunod at hindi ang tugtog ng pera. Kaya sinabi din niya na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang Panginoon, sa Diyos at sa pera.

Tinukso si Adan at si Eba at sila ay nagkasala. Tinukso si Jesus at hindi siya nagkasala. Napatunayan niya sa atin na siya ay tapat. Noong tinukso si Adan at si Eba ang kanilang iniisip ay ang kanilang sarili: maganda ang punong kahoy, masarap ang bunga nito, at gusto nilang magkaroon ng karunungan ng Diyos upang mapantayan ang Diyos. Nabigo sila kasi ang lahat ng tukso ay kasinungalingan. Hindi nangyayari ang kanyang ipinapangako. Hindi sila sumunod sa Salita ng Diyos. Ang sinunod nila ay ang kasinungalingan ng tukso. Si Jesus ay naging tapat sa Diyos kasi naging tapat siya sa Salita ng Diyos. Alam ni Jesus ang Salita ng Diyos at ito ay kanyang sinusunod. Kaya nauuwi ang kasalanan sa pagsunod o sa pagsuway. Sumusunod ba tayo sa Salita ng Diyos o sumusuway dito? Sana ngayong kuwaresma dahil sa ating pagdarasal, pag-pepenitensiya, pagbabasa ng Bible at pagkawanggawa mas maging maliwang sa atin ang kalooban ng Diyos at ito’y sundin natin. Magiging malakas tayo dahil sa mga tukso at pagsubok na dumadating sa ating buhay.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 29,540 total views

 29,540 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 35,764 total views

 35,764 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 44,457 total views

 44,457 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 59,225 total views

 59,225 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 66,346 total views

 66,346 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 2,083 total views

 2,083 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 3,394 total views

 3,394 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 6,124 total views

 6,124 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,309 total views

 7,309 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 8,789 total views

 8,789 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 11,200 total views

 11,200 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 14,485 total views

 14,485 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 16,919 total views

 16,919 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 18,779 total views

 18,779 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 21,089 total views

 21,089 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 27,216 total views

 27,216 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 25,345 total views

 25,345 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 27,628 total views

 27,628 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 30,534 total views

 30,534 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 31,473 total views

 31,473 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top