235 total views

3rd Sunday of Easter Cycle C
Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19

Si Jesus ay muling nabuhay. Ito ang pahayag natin. Ang pagkabuhay ni Jesus ay hindi lang isang pangyayari tungkol sa kanyang sarili. Ini-involve niya tayo sa pangyayaring ito. Hindi lang siya ang nagkaroon ng bagong buhay. Dahil sa kanyang muling pagkabuhay nagkaroon din tayo ng bagong buhay.

Nang hindi na kasa-kasama ng mga alagad si Jesus, ibig na nilang bumalik sa dating buhay nila. Kaya nag-anyaya si Pedro na mangisda at sumama ang anim sa kanila. Tayo rin, pagkaraan ng mga excitement ng Holy Week at ng Salubong at Easter, maaaring bumabalik na rin tayo sa dating takbo ng ating buhay. Pero walang nangyari sa pangingisda nila. Magdamag silang nangisda at wala silang nahuli. Pero kahit na akala nating wala nang nangyayari sa atin, patuloy pa rin tayong pinapatnubayan ni Jesus, tulad ng ginawa niya sa mga alagad. Maagang-maaga pa noon, siya ay nasa pampang na, kinakamusta sila. Naghanda na siya ng almusal para sa kanila – tinapay at may nakasalang na isda na iniihaw. Nakialam uli si Jesus sa buhay ng mga alagad niya. Pinahulog niya sa kanila ang lambat, at biglang may maraming huli na hindi nila maiahon ang lambat. Mabuti na lang at sumunod sila sa instructions niya na ihulog ang lambat sa gawing kanan.

Kahit pala hindi na nila kasa-kasama si Jesus, umaapoy sa damdamin ni Pedro ang pananabik sa kanya. Kaya noong sinabi ni Juan na si Jesus iyon – It is the Lord – agad siyang tumalon sa tubig upang makapiling ni Jesus. Hindi siya makaantay sa bangka na dumaong. At noong nagparinig si Jesus na magdala ng ilang isda na nahuli nila, agad bumalik si Pedro sa bangka at kinaladkad ang lambat na puno ng isda. Talagang eager na eager si Pedro.

Eager din ba tayo na makapiling si Jesus? Pagkatapos ng apatnapung araw ng kuwaresma at ng matitinding araw ng Semana Santa, sana naman kumukulo pa rin sa damdamin natin ang pagnanais kay Jesus. Kaya patuloy pa rin sana tayo na lumalapit sa kanya sa panalangin, at may malaking kahandaan pa tayong gawin ang anumang utos niya.

Pagkakain nila, itinabi ni Jesus si Pedro at nagkaroon sila ng personal na pag-uusap. Kahit na alam ni Jesus ang pagkukulang at kahinaan ni Pedro, may tiwala pa rin siya sa kanya. Ibibigay pa rin niya sa kanya ang pangangalaga sa kanyang mga tupa. Gumawa si Jesus ng job interview kay Pedro. Hindi niya siya tinanong kung ano ang napag-aralan niya, kung saan siya nag-graduate, kung ano ang kanyang work experiences. Isa lang ang kwalipikasyong hinihingi niya: Mahal mo ba ako? Tatlong beses itong tinanong ni Jesus. Medyo nailang si Pedro sa tatlong paulit-ulit na tanong. Hindi ba si Jesus naniniwala sa kanya? Tatlong beses siya tinanong at tatlong beses ipina-ubaya sa kanya ang kanyang tupa. Kailangan ng pag-ibig kay Jesus kasi ang mga tupa na aalagaan niya ay tupa niya. Kung may pag-ibig siya kay Jesus magagampanan niya ang lahat. Tandaan natin, ang pag-ibig ay kay Jesus at hindi pag-ibig sa mga tupa o pag-ibig sa trabaho. Maaari din kasing mangyari na nagustuhan natin ang trabaho para sa Panginoon na nakalimutan na natin ang Panginoon. We can be taken up by the work for the Lord that we pay less attention to the Lord himself. Kaya may mga tao, kahit na pari at madre pa, na masyadong busy sa kanilang misyon na hindi na sila nakakapagdasal. Wala na silang panahon na kausapin ang Panginoon mismo. Ito ay magandang paala-ala sa atin.

Napakalakas ng impact ni Jesus na muling nabuhay sa mga apostol na noong siya ay umakyat na sa langit, patuloy pa rin silang nagpapahayag tungkol sa kanya. Ang akusasyon sa kanila ng pinakapunong saserdote sa ating unang pagbasa ay: “Laganap na sa Jerusalem ang inyong aral at ibig pa ninyo kaming panagutin sa pagkamatay ng tayong ito.” Pero hindi mapatahimik ang mga apostol, kahit ng pinakamataas na autoridad ng mga Hudyo. Matapang ang sagot nila na ang Diyos ang dapat nilang sundin at hindi ang tao. Pinapatay ng mga leaders ng mga Hudyo si Jesus ngunit muling binuhay, iniakyat sa langit at ngayon ay nakaupo na sa kanan ng Diyos Ama. Pinapahayag nila ito upang magsisi ang mga tao sa kanilang mga kasalanan para sila mapatawad. Saksi sila sa mga bagay na ito. Hindi lang sila matapang na magpahayag. Natuwa pa sila na sila ay pinahiya alang-alang kay Jesus. Para sa kanila karangalan ang magdusa para kay Jesus. Talagang malaking pagbabago ang nangyari sa mga apostol. At malaking pagbabago din dapat ang mangyari sa atin dahil sa muling pagkabuhay ni Jesus. Matagumpay siya at magtatagumpay din tayo kung committed tayo sa kanya.

Kailangan natin ang pananalig at tapang na ito na isang linggo na lang mag-eeleksyon na tayo. Mahalaga ang halalang ito. Nakataya dito ang kinabukasan ng ating bansa. Susulong ba tayo o uurong uli? Magkakaroon na ba ng makabagong politika o babalik tayo sa dati, na ang naghahari ay political dynasties, pera, pandaraya at paglilinlang sa tao? Talagang malaki ang contrast ng magkabilang fuerza. Sa isang dako nandiyan ang fuerza ng volunteerism, fuerza ng pagmamahal – it is more radical to love – at ng mga ordinaryong mamamayan na kumikilos at nagtutulungan. Sa kabilang dako naman nandiyan ang nagkaisang fuerza ng mga manlilinlang, ng pag-aabuso, at ng corruption. Nagkaisa na ang lakas ng mga Marcos, mga Duterte, mga Macapagal Arroyo, mga Ejercito, mga Romualdez at Enrile, at marami pang political dynasties. Hawak nila ang pera, ang mga trolls, ang mga agencia ng gobyerno, ang kapulisan. Ang grupo nila ang namimili ng boto. Ito lang naman kasi ang alam nila at ginamit nila ito para manalo. Malakas laban sa mahina.

Noong 1571 nagkaroon ng digmaan sa dagat ng Lepanto, Greece. Malaki ang fuerza ng mga Ottoman Turks laban sa maliit na fuerza ng mga Katoliko. Nanawagan ang Santo Papa noon na si Papa Pio ika-lima na magdasal ng Rosaryo ang mga mananampalataya. Wala silang maaasahan kundi ang Mahal na Birhen. Nangyari ang himalang inaasahan. Natalo ang Ottoman Turks at kinilala nila na ito ay dahil sa tulong ng Mahal na Ina ng Santo Rosaryo, kaya itinalaga ang October 7 na fiesta ng Santo Rosario. Sa araw na ito naganap ang digmaan sa Lepanto. Nanalo ang mahina laban sa malakas!

Noong 1646, pinasok ng maraming mga barkong pandigma ng mga Olandese ang Manila Bay. Kahit na kakaunti lang ang mga barko at sundalong mga Kastila at Pilipino, natalo nila ang mga Dutch. Ito din ay dahil sa pagdarasal ng Santo Rosaryo ng mga mananampalataya sa Maynila. Kinilala din ito na isang himala ng Mahal na Birhen, kaya mayroon tayo ngayon na malaking prosesyon ng La Naval tuwing Oktubre. Nanalo uli ang mahina laban sa malakas.

Ang mga pangyayaring ito ay nagpapakita na malaki ang nagagawa ng pagdarasal sa Mahal na Ina sa mga panahon ng kagipitan. Dahil dito nanawagan ang mga labing apat na mga obispo ng Metropolitan Province ng Maynila na pinangungunahan ni Cardinal Advincula na ang lahat ng mga Katoliko ay magdasal ng Santo Rosaryo sa kanilang mga tahanan mula ngayon hanggang sa Mayo 9, ang araw ng halalan, upang ang halalan natin ay maging mapayapa at makatotohanan, at ang mga Pilipino ay magabayan na pumili nang maayos at huwag magpatakot o magbenta ng boto. Sana ang mga manalo ay hindi ang mga tradisyonal na politicians kundi ang taong bayan. Ipagdasal din natin na ang COMELEC ay maging makatotohanan at huwag magpagamit sa sinumang politiko. Sana ipakita nila na sila ay kapanipaniwala sa mata ng taong bayan.

Huwag po tayong matakot at mawalan ng pag-asa. Si Jesus ay muling nabuhay. Magtatagumpay ang katotohanan at ang kabutihan. Isulong natin ito sa ating mga panalangin araw-araw. Magdasal po tayo ng Santo Rosaryo sa ating mga pamilya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 4,963 total views

 4,963 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,008 total views

 13,008 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,088 total views

 18,088 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 23,795 total views

 23,795 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,583 total views

 32,583 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,471 total views

 6,471 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,600 total views

 4,600 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,883 total views

 6,883 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,789 total views

 9,789 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,728 total views

 10,728 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,722 total views

 10,722 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,440 total views

 14,440 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,286 total views

 16,286 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,283 total views

 16,283 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,792 total views

 20,792 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,108 total views

 26,108 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,266 total views

 28,266 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,424 total views

 30,424 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,774 total views

 30,774 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,243 total views

 44,243 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top