Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 21,279 total views

32nd Sunday of Ordinary time Cycle B
1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44

Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon sa Bibliya kapag sinasabi na tumulong sa nangangailangan ang madalas na tukuyin ay ang mga balong babae, ang mga ulila at ang mga pulubi. Sila iyong walang-wala na kailangan tulungan. Kinokonsider na mahirap ang mga balong babae kasi nag-iisa na lang sila sa buhay. Wala na silang tagapagtanggol. Sa kanilang lipunan noon, walang karapatan ang mga babae, madali silang pabayaan at pagsamantalahan.

Sa ating mga pagbasa ngayong Linggo, ang bida ay ang mga mahihirap na babaeng balo. Sila ang pinupuri at ipiniprisinta na halimbawa. Kahit na mahirap sila at balo pa, sila ay generous. Tinawag mismo ni Jesus ang kanyang mga alagad upang ipaalam sa kanila ang kanyang paghanga sa mahirap na balo na ibinigay niya ang lahat na mayroon siya bilang abuloy sa templo. Kahit na dalawang kusing lang ang kanyang ibinigay, ito ay napansin at napahalagahan ng Diyos kasi ito na ang huling pera niya. Mas mahalaga ito kaysa malalaking halaga na binibigay ng mga tao, malalaking halaga nga pero ang mga ito ay mga sobra na lang nila. Hindi na nila ito kailangan. Ang halaga ng ibinibigay para sa kay Jesus ay hindi kung magkano kundi saan ito nanggaling – nanggaling ba ito sa pangangailangan natin o sa sobra na lang natin. Nasaan dito ang pag-ibig? Nasasaktan ba tayo dahil sa ibinigay natin o hindi. Ang pag-ibig ay nasusukat sa sacrifice. Nagsakripisyo ba tayo o balewala lang sa ating ang ating ibinigay, kahit na malaking halaga pa iyan!

Sa ating unang pagbasa si Elias ay pinadala ng Diyos sa Sarepta, isang dayuhang lugar. Ang mga nakatira doon ay hindi mga Israelita. Panahon noon ng taggutom. Tatlong taon nang hindi umuulan at wala ng makain ang mga tao. Kinausap ng propeta ang isang balo na namumulot ng mga sangang panggatong. Humihingi siya ng tubig. Tandaan natin na tag-init noon at mahirap ang maghanap ng tubig. Pero walang reklamo ang balo na umalis upang maghanap ng tubig para sa isang dayuhan. Nakiusap pa siya na bigyan siya ng kaunting pagkain. Dito tinapat na siya ng babae na sa totoo lang namumulot siya ng panggatong upang magluto ng tinapay mula sa huling harina at langis na mayroon siya. Ito na ang magiging huling pagkain niya at ng kanyang anak at mamamatay na sila. Nakakalungkot naman. Imagine, alam mo na ito ang huling pagkain mo at ng iyong anak. Pero nagpumilit pa rin si Elias na may kasamang pangako. Magluto siya at bigyan din siya ng tinapay kasi hindi mauubusan ng harina ang kanyang lalagyan at hindi mauubusan ng langis ang kanyang tapayan. Naniwala ang balong babae hindi Hudyo. Ginantimpalaan ng Diyos ang kanyang pagiging mapagbigay. Patuloy silang nakakain hanggang magwakas ang tag-init at dumating na ang ulan. Hindi sila naubusan ng pagkain. Araw-araw may harina ang lalagyan at may langis ang tapayan.

Paano ba nakayanan ng dalawang balo sa ating mga pagbasa ang pagiging mapagbigay, ang pagiging generous, kahit na sila ay balo at mahihirap lamang? May tiwala sila sa Diyos. Handa silang magbigay kasi alam nila na maaasahan ang Diyos. Hindi natin matatalo ang Diyos sa generosity. Kung generous tayo, mas lalong generous ang Diyos at tutumbasan niya ang ating pagiging mapagbigay. May Diyos na nakakakita ng lahat ng kabutihan na ating ginagawa kahit na gaano man ito kaliit. Hindi ba sinabi din ni Jesus na kahit na isang isang baso na malamig na tubig na ating ibinigay sa alagad ng Diyos ay may gantimpala? Kung hindi tayo pabaya, mas lalong hindi pabaya ang Diyos.

Maganda na mapaalalahanan tayo ng ganitong katotohanan, tayo na pinakikiusapan na magbalik handog. May mga tao na busing-busy sa kanilang mga gawain na wala na silang panahon na magsimba o magdasal man lang. Kulang ang panahon nila sa paghahanap buhay kaya pati Linggo ay ginagawa na nilang araw ng pagtratrabaho. Kawawa naman sila. Dahil sa kabusy-han nila, nagkakasakit na sila, nagiging magagalitin at nanlalamig na sa pag-ibig sa kanilang asawa at mga anak. Nagkagulo na ang buhay nila. Sayang lang ang kanyang hanap buhay na nasira ang kanyang pamilya at ang kanyang kalusugan. Ganoon din, hindi na nakakapagserbisyo sa simbahan, sa kriska o sa communidad kaya nawawalan na siya ng sigla sa kanyang mga kasamahan. Nakatutok na lang sa trabaho at ito na lang ang pinapansin. Mas nagiging makasarili siya. Hindi na siya masaya sa buhay. Mas nagiging masigla at masaya tayo kapag tayo ay nagse-serve.

May mga tao din na natatakot magbalik handog ng kanyang yaman. “Hirap na nga ako sa buhay, magbibigay pa ako?” Mas nahihirapan tayo kapag hindi tayo nagbabahagi. Nawawala ang bendisyon ng Diyos. Ang pinundar natin na bukid o na bangka ay madaanan lang ng isang bagyo, wala na ang lahat. Kailangan natin ng bendisyon ng Diyos at hindi lang ng pera. Siya ang mag-iingat sa atin sa aksidente, sa masamang panahon, sa mga masasamang loob. Sa ating pagiging generous, napakaraming proteksyon ang binibigay sa atin ng Diyos. Mas magiging secure tayo sa kamay ng Diyos kaysa mga investments at business natin.

Kaya huwag po sana magiging dahilan ang ating kahirapan na hindi na tayo makatulong sa iba, na hindi na tayo makapagbalik-handog. Subukin natin ang Diyos. Siya ay maaasahan. Napatunayan ito ng balo na tumulong kay propeta Elias. Nakita ng Diyos ang ating generosity. Hindi sila nawalan ng supplies. Napatunayan ito ng balong nagbigay ng lahat na mayroon siya noong panahon ni Jesus. Pinansin siya ni Jesus. Si Jesus na nagbigay na ng lahat na mayroon siya hanggang sa kahuli-hulihang patak ng kanyang dugo ay may maluwag na loob sa mga taong generous. Magbalik handog tayo ng ating panahon, ng ating galing at ng ating yaman. Hindi natin ito pagsisisihan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pandaigdigang kapayapaan

 3,460 total views

 3,460 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 14,375 total views

 14,375 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 22,111 total views

 22,111 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 29,598 total views

 29,598 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 34,923 total views

 34,923 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 717 total views

 717 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 2,965 total views

 2,965 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 3,070 total views

 3,070 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 7,189 total views

 7,189 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 6,502 total views

 6,502 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 8,557 total views

 8,557 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 14,480 total views

 14,480 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 17,890 total views

 17,890 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 20,525 total views

 20,525 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 19,040 total views

 19,040 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 18,506 total views

 18,506 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 19,604 total views

 19,604 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 25,208 total views

 25,208 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 22,678 total views

 22,678 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 24,525 total views

 24,525 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top