118,414 total views
Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago lumagay sa tahimik (pagkaroon ng sariling pamilya)…dapat may bahay na.. Sa mga probinsiya, madali lang magpatayo at magkaroon ng sariling bahay… Sa mga urban areas, suntok sa buwan ang pangarap na ito., kung kakarampot lang sinasahod mo kahit low-cost housing “can afford”, tiis-tiis lang muna mangupahan sa eskwater, sa mga 24-seven na lugar sa Metro Manila.
Kaunti pa lang naiipon mo para magkaroon ng bahay sa imperial Manila., Ito, nagbabala ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sa nagbabadyang “housing crisis”. Dahilan nito ang maagang stages ng demographic transition, inaasahan sa mga susunod na taon ang pagdami ng older adults… Sa taong 2030 Kapanalig, ang Pilipinas ay papunta na sa “aging society”. Sa pag-aaral ng PIDS noong 1980, 73-percent ng mga Pilipino na edad 25-34 taong gulang ay haligi na ng tahanan., bumaba ito sa 59-porsiyento noong 2020. Sinasabing ang bumabagal na pagbubuo ng pamilya ay may matinding epekto..
Kapanalig, kapag magpatuloy ang mabagal na pagbubuo ng pamilya ng mga young adults, babagsak din ang birth rate sa Pilipinas, babagal din ang paglago ng ekonomiya at dadami ang matatandang Pinoy na walang sariling bahay. Ito kaya ay negatibong resulta ng Reproductive Health law o Republic Act 11223 na naging Universal Health Care Act Kapanalig? Kinontrol ng pamahalaan ang birth rate sa bansa, pinayagan ang iba’t-ibang contraceptives.
Nadiskubre sa pag-aaral ang pagkukulang ng mga policymaker ng bansa…Itong mga magagaling na policymakers ng bansa ay tinitingnan pala ang housing o pabahay bilang physical structure lamang. Sinasabi ng PIDS, itinuturing ng mga maralitang taga-lungsod (urban poor) na ang housing ay livelihood o kabuhayan…Para sa mga urban poor na bumubuo sa 35-percent ng populasyon sa National Capital Region, OK ang pagtira maging sa squatter area, sa gilid ng mga kanal dahil dito sila kumikita ng ikakabuhay, mayroon silang access sa social services, health services., at marami pa. Kabaliktaran ito sa pag-iisip ng mga policy maker…ang sagot nila sa problema ay relocation program, siyempre Kapanalig, masisipag magtrabaho ang mga nangangasiwa sa relokasyon dahil may pera. Nakatulong ka kunyari sa problema ng pagsisikipan., nagkapera ka pa.
Natukoy din sa pag-aaral ang problema ng migration sa housing program ng pamahalaan. Pumupunta sa urban centers ang mga working age na Pinoy para magtrabaho., pero babalik ito ng kanilang probinsya kapag nagretiro… tinatawag itong “reverse migration”. Kung hindi ikukonsedera at hindi magpatupad ng “radical shift” sa housing policies ang pamahalaan base sa housing trends ay mabibigo ang housing development… resulta ay housing crisis.
Suhestyon ng PIDS sa pamahalaan, pakinggan ang nasa grassroot communities,.. ang mga lungsod ay hindi lamang mga gusali., binubuo din ito ng mamamayan(tao). Kapag patuloy na ipinagsawalang bahala ng pamahalaan ang housing needs ng 60-percent ng populasyon, binigo natin ang komunidad, pinatay natin ang kinabukasan ng mamamayan.
Kapanalig, ika nga ng Proverbs 14:31 “Whoever oppresses a poor man insults his Maker, but he who is generous to the needy honors him.” Sinasabi din sa Isaiah 58:7– Is it not to share your bread with the hungry and bring the homeless poor into your house; when you see the naked, to cover him, and not to hide yourself from your own flesh?” – Isaiah 58:7
Sumainyo ang Katotohanan.