Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag isantabi ang banta ng HIV-AIDS sa gitna ng COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

 520 total views

Pinaalalahanan ng health ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na huwag kalimutan na bukod sa corona virus ay may iba’t ibang karamdaman na banta sa kalusugan.

Ayon kay Camillan Priest Fr. Dan Cancino, Executice Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care maraming Filipino rin ang dumaranas ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng cancer, tuberculosis, HIV/AIDS at iba pa.

“Bago dumating ang COVID-19 mayroon na tayong iba’t ibang mga sakit, huwag sana nating kalimutan na may mga ibang hamon din ang ating mga Kapanalig na may karamdaman katulad ng cancer at HIV,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ng kamilyanong pari ay kasabay ng paggunita sa World AIDS Day tuwing unang araw ng Disyembre.

Tema ngayong taon ang ‘Global Solidarity, Shared Responsibility kung saan hinihimok ang mamamayan na magkaisang labanan ang paglaganap ng nakakahawang sakit sa lipunan tulad ng HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan.

Pagbabahagi pa ni Fr. Cancino na sa kasalukuyang tala ay umabot na sa humigit kumulang 80, 700 ang bilang ng mga Filipinong may HIV/AIDS mula 1984 hanggang nitong Setyembre 2020.

Saad pa ni Fr. Cancino na bahagyang bumaba ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa ngayong taon kung saan naitala ang 21 kaso kada araw kumpara sa 30 kaso kada araw noong 2019.

Bagamat magandang balita ito para sa lahat, hindi pa rin matiyak kung ang pagbaba ng kaso ay bunsod ng pag-iingat ng tao o dahil sa kawalan ng sapat na access ng mga Filipino sa HIV testing dahil sa epekto ng COVID-19.

Tiniyak ng Camillan Doctor-Priest na patuloy ang simbahan sa pamamagitan ng Philippine Catholic HIV/AIDS Network sa paglingap sa mga persons living with HIV.

“Sa ating mga kapatid na may karamdaman na COVID-19 at may HIV hindi kayo nag-iisa ang simbahan ay nakikiisa sa inyo at kami ay may pananagutan para kayo ay kalingain; mapatikim sa inyo ang totoong pagmamahal hindi galing sa amin pero galing sa ating Poong Maykapal,” dagdag pa ng opisyal ng CBCP.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 43,045 total views

 43,045 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,526 total views

 80,526 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,521 total views

 112,521 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,260 total views

 157,260 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,206 total views

 180,206 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,464 total views

 7,464 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,036 total views

 18,036 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top