Huwag mahulog sa patibong ng kawalan ng pakialam

SHARE THE TRUTH

 288 total views

Mga Kapanalig, marami sa atin ang nabibighani sa marangyang pamumuhay ng ibang tao, samantalang para sa mga taong nagdurusa at nangangailangan, maaaring hindi man lang tayo lilingon kung nasa balita sila.

Headline sa mga balita ang mga kasal na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso. Kaliwa’t kanan ang mga palabas tungkol sa mga magagarang bahay, mamahaling mga damit, at mga bagong makakainan. Laman din ng mga balita ang mga taong pinagkakagastusan ang pagpapaganda ng itsura at katawan.

Ngunit ilan sa atin ang nabibigay ng panahon upang malaman ang balita tungkol sa kalagayan ng mga Rohingya, isang grupong etniko sa Myanmar? Sa nakalipas na dalawang linggo, mahigit 270,000 sa kanila ang napilitang lisanin ang kanilang kinalakihang lugar. Ethnic cleansing na nga ang tawag ng mga human rights advocates sa nangyayari sa mga Rohingya dahil lumalabas na sinasadyang sunugin ng militar ang kanilang mga bahay at pinapatay ang marami sa kanila. Paraan daw iyon ng pamahalaang ng Myanmar upang itaboy ang mga taong hindi nila kinikilalang mamamayan.

Ano naman ang nalalaman natin tungkol sa mga taga-Yemen sa Gitnang Silangan na nababalot pa rin ng karahasang dala ng away ng mga rebelde at pamahalaan? Wala nang pinipili ang mga airstrikes—kahit mga kabahayan, binobomba. Marami na ang namatay hindi lamang dahil sa mga putukan kundi pati sa sakit na cholera. Mahigit kalahating milyong kaso na ng cholera ang naitatala at mahigit 2,000 na ang namatay.

Huwag na tayong lumayo, mga Kapanalig. Dito sa Pilipinas, maliban sa mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng droga, nagiging target na rin ng pagpatay ang mga kababayan nating Lumád. Noong nakaraang linggo, naitala ang ika-47 na Lumád na napatay (o pinatay) mula nang manungkulan si Pangulong Duterte. Siya si Obillo Bay-ao, Grade 6 sa isang tribal school sa Davao del Norte. Sinasabing miyembro ng paramilitary group ang pumatay sa kanya. Ayon sa grupong Save Our Schools Network, naging malakas ang loob ng mga puwersang tumutugis sa mga sinasabing komunista sa Mindanao dahil na rin sa banta ng pangulo na bobombahin ang mga eskuwelahan ng mga Lumád na aniya’y nagtuturo sa mga katutubong maging subersibo.

Ilan lamang ito sa mga balitang nakikipag-agawan sa ibang balita para sa ating atensyon. Ngunit bihira ang mga itong makasama sa “ulo ng mga nagbabagang balita.” Samantala, ang mga kuwento tungkol sa mga dumalo sa isang magarbong kasalan o tungkol sa halaga ng damit na isinuot ng isang celebrity ay nabibigyan ng mas mahabang oras. Mas binibigyan ng panahon ang pag-alam sa detalye ng intrigang kinasasangkutan ng mga artista at pulitiko. Marahil, nagsasawa na tayo sa mga kuwentong lungkot at takot ang dala. Sa kabilang banda, hindi kaya nagiging manhid na tayo? Hindi kaya dahil sa dami ng taong nawalan ng tahanan sa Myanmar, sa dami ng mga may cholera sa Yemen, o sa dami ng napapatay sa ating bansa, mas pinipili nating ibaling ang ating atensyon sa iba?

Minsan nang kinundena ni Pope Francis ang tinawag niyang “sin of indifference,” ang kasalanan ng pagkawalang-pakialam lalo na sa mga nagugutom, mga biktima ng pananamantala, at iba pang naghihirap. Aniya, nakakalungkot na maraming tao ang pinipiling hindi makita ang maraming anyo ng kahirapang nangangailangan ng pagmamalasakit. At kung susuriin natin ang laman ng mga balita sa telebisyon, dyaryo, at lalung-lalo na sa social media, tila nagiging instrumento na nga ang media ng paglaganap ng kawalang-pakialam. Nahulog na rin kaya tayo sa patibong ng kawalang-pakialam?

Mga Kapanalig, hindi man natin direktang matutulungan ang mga taong nangangailangan, sikapin nating intindihin ang mga mas seryosong isyu sa ating lipunan. Paglaanan ng panahon ang mga ito upang malaman kung sa ating pang-araw-araw na pamumuhay—sa ating mga pinagkakagastusan, mga tinatangkilik na produkto, mga hinahangaan, at kahit sa paraan ng pakikisalamuha sa iba—naisasaisip natin ang mga kapwa nating hindi natin kasimpalad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 28,392 total views

 28,392 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 33,810 total views

 33,810 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,517 total views

 40,517 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 55,313 total views

 55,313 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 61,469 total views

 61,469 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 28,393 total views

 28,393 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 33,811 total views

 33,811 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 40,518 total views

 40,518 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 55,314 total views

 55,314 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 61,470 total views

 61,470 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,039 total views

 40,039 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,623 total views

 50,623 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,840 total views

 58,840 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,073 total views

 43,073 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,049 total views

 49,049 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,142 total views

 52,142 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,847 total views

 41,847 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,735 total views

 42,735 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,038 total views

 58,038 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,447 total views

 70,447 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top