Obispo, nagpapasalamat sa suporta ng IBP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat si incoming Catholic Bishop Conference of the Philippines CBCP-Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mga suporta sa Diocese of Caloocan partikular na sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa usapin kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa pagkamatay ng 17-taong gulang na si Kian Loyd delos Santos.

Ayon sa Obispo, malaking bagay ang suporta ng publiko sa pamamagitan ng pananalangin at lalo na ang pagpanig ng IBP sa pagbibigay ng legal na proteksyon at sanctuary ng Simbahan sa mga menor de edad na testigo.

“Nagpapasalamat po ako sa suporta na pinaramdam ng marami sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin, salamat din sa IBP dahil pinanigan nila yung paninindigan natin tungkol sa sanctuary…”pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Unang inihayag ni Atty. Rosario Setias-Reyes, former President ng Integrated Bar of the Philippines na may kalayaan at bahagi ng karapatan ng mga testigo na mamili ng kanilang institusyong pagkakatiwalaan na magbigay proteksyon sa kanilang buhay laban sa mga banta ng panganib.

Umaasa rin ang Obispo na dahil dito ay magkakaroon rin ng lakas ng loob ang iba pang mga kaanak ng mga biktima ng drug-related killings sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na lumantad at ipaglaban ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

“sa tingin ko sana maging okasyon din ito para lumakas ang loob nung ilang mga biktima na naniniwalang inosente ang kanilang kaanak na pinatay, ito na yung pagkakataon para sila din ay lumabas, lumakas ang loob at sabihin na kailangan magkaroon ng katarungan…” Dagdag pa ni Bishop David.

Iginiit ni Bishop David na laging nakahanda ang Simbahang Katolika na magbigay proteksiyon at paggabay sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong lalo na laban sa anumang banta ng panganib sa buhay.

Read:  Simbahan bukas ang pintuan sa mga nangangailangan ng tulong
Simbahan, ipinagtanggol ng dating pangulo ng IBP.

 

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 4,011 total reads

 4,011 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 24,545 total reads

 24,545 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 87,679 total reads

 87,679 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 173,046 total reads

 173,046 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 219,782 total reads

 219,782 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 267,656 total reads

 267,656 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 367,279 total reads

 367,279 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top