VeritasPH

The Word, The Truth

Huwag pakawalan ang pagkakataong baguhin ang pulitika

SHARE THE TRUTH

 323 total views

Mga Kapanalig, kung isinagawa ang midterm elections noong kalagitnaan ng Disyembre, karamihan sa mga mananalong senador ay ang mga pulitikong tikóm ang bibig sa lantarang paglapastangan sa dignidad ng buhay ng mga Pilipino. Sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong isang buwan, lumabas na pipiliin ng mga botante ang mga may pangalang sikát—anak ng isang artista; mga artistang dawit sa katiwalian; asawa ng isang bilyonaryong mangangamkam ng lupa; at mga anak ng mga tiwaling pulitiko at ng pinatalsik na diktador. Kung may bago man, kilala naman siyang berdugo at kumikiling sa marahas na paglutas sa problema ng krimen.

Nakalulungkot ang ipinahihiwatig ng kinalabasan ng survey ng Pulse Asia. Kung ganito nga ang mangyayari sa halalan sa darating na Mayo, pinakakawalan natin ang isang mahalagang pagkakataon upang magkaroon ng positibong pagbabago sa pamahalaan. Halos lahat kasi sa kanila ay kilaláng dikít sa kasalukuyang administrasyon. Ilan sa kanila ang may utang na loob dito o kaya naman ay nais maging mabango hindi lamang sa ating pangulo kundi sa mga masusugid niyang tagasunod.

Ngayong ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga nagpapalaganap ng kasinungalingan upang manatili sa poder, hindi praktikal para sa mga pulitikong sariling interes lamang ang iniisip na maging alternatibong boses sa pamahalaan. Kung nais nilang manalo sa halalan, hindi nila babanggain ang mga patakaran ng administrasyon kahit pa nagpapahirap ang mga ito sa mga ordinaryong mamamayan. Hindi nila kukuwestuyinin ang pamamalakad ng administrasyon kahit pa ipinagpapatuloy nito ang kultura ng katiwalian sa pamahalaan. Hindi sila magsasalita tungkol sa walang prenong paninira ng pinakamataas nating lider sa mga institusyong gaya ng Simbahan at ng malayang media na nagbabantay at pumupuna sa pagmamalabis ng mga nasa pamahalaan. Hahayaan lamang nila ang mga pananalitang walang paggalang sa dignidad ng mga babae at mga pahayag na iniinsulto ang pananampalataya ng mga tao.

Kaya mahalagang hangga’t maaga ay pinag-iisipan na natin kung sinu-sino ang mga iboboto natin sa darating na halalan. Walang perpekto sa kanila. Walang makapagbibigay ng agarang solusyon sa mga problema ng bayan. Wala ring makagagawa ng mga batas na agad na makapagpapagaan ng buhay ng mga mahihirap. Ngunit kung masinsinan nating susuriin ang kuwalipikasyon at husay ng mga kandidato sa halip na gamiting batayan ang kanilang kasikatan, makikita natin kung sinu-sino ang karapat-dapat na magkaroon ng pagkakataong maging tunay na lingkod-bayan. Batayan din dapat ang kanilang paninindigan sa maraming isyung bumabagabag sa ating bayan—ang kaliwa’t kanang patayan, ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang kawalan ng pangmatagalang trabaho, ang paniniil sa kalayaan sa pamamahayag, at marami pang iba.

At bilang mga Katoliko, malaki ang papel na ginagampanan ng ating pananampalataya sa pagpili ng mga mamumuno sa ating pamahalaan. Sabi nga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium, kaakibat ng tunay na pananampalataya ang malalim na pagnanais na baguhin ang ating mundo, na maipasa ang ating mga pinahahalagahan o values, at na lumisan sa mundo nang nasa mas mabuti itong kalagayan kaysa noong dumating tayo rito. At kung pangunahing tungkulin ng pulitika na isaayos ang lipunan nang ito ay maging makatarungan, hindi dapat manatili ang Simbahan sa gilid lamang ng laban para sa katarungan.

Tayong lahat ay bahagi ng Simbahan, at bilang mga bumubuo ng Simbahan, tungkulin nating pumili ng mga magpapatakbo ng ating pamahalaang magtitiyak na umiiral ang katarungan sa lipunan. At ang isang mabuting Kristiyano ay bumoboto batay sa kanyang konsensya. Bumoboto tayo nang ang laging isinasaisip ay ang kapakanan ng lahat at hindi ang kapakinabangan ng iilan.

Kaya mga Kapanalig, sa mga pangalang nangunguna sa mga survey, masasabi ba nating isinusulong nila ang kabutihan ng lahat at tunay na katarungan? May panahon pa tayong mag-isip.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 2,851 total views

 2,851 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,608 total views

 8,608 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 15,871 total views

 15,871 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 23,856 total views

 23,856 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,392 total views

 31,392 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 2,852 total views

 2,852 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 8,609 total views

 8,609 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 15,872 total views

 15,872 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 23,857 total views

 23,857 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 31,393 total views

 31,393 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,712 total views

 46,712 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,754 total views

 54,754 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,311 total views

 46,311 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,736 total views

 44,736 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,522 total views

 46,522 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,447 total views

 43,447 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,761 total views

 57,761 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,451 total views

 61,451 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,054 total views

 60,054 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,041 total views

 70,041 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top