Pangulong Duterte, kabiguan at kahihiyan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 836 total reads

Ito ang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos hinggil sa mga pahayag ng pangulo laban sa mga Obispo, Pari at iba pang kritiko ng administrasyon.

Ayon sa Obispo, hindi nakatutuwa ang mga pahayag ng pangulo na nagsusulong ng karahasan sa lipunan dahil sa paghimok sa mamamayan na pumatay.

“His presidency is disappointment to us, and disgraced to country. The advice just promotes criminality, encourages lawlessness,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.

Iginiit ng pinuno ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang pagsusulong ng pangulo sa pagpaslang ay isang imoral na uri ng pamamahala sa bayan.

Magugunitang sa talumpati ng Pangulong Duterte noong ika – 10 ng Enero sa Masbate, hinikayat nito ang mga tambay na holdapin at paslangin ang mga Pari at Obispo at noong Diyembre ay hinimok ang publiko na paslangin ang mga Obispo dahil wala itong pakinabang sa lipunan.

Ang patuloy na pagbatikos ng pangulo laban sa mga lingkod ng Simbahang Katolika ay sanhi ng pagpuna ng mga Pari, Obispo at mga Relihiyoso sa mga maling polisiya ng pamahlaan tulad ng malawakang kampanya kontra droga na ikinasawi ng mahigit dalawampung libong indibidwal.

Dahil ditto, nanindigan si Bishop Santos na nararapat punahin ang pangulo at wakasan ang pagsusulong ng karahasan sa pamayanan sa halip ay itaguyod ang pagkakaisa ng mga nasasakupan.

“We totally speak, stand against it. We reject and condemn what he says,” ani ng Obispo.

Umaasa ang Obispo na kumilos ang mga taong malalapit sa pangulo at payuhan upang maiwasto ang mga ipinahahayag nito sa publiko lalo’t tinitingala ito ng mga kabataan bilang lider ng Pilipinas.

Inihayag ng Obispo na nagdudulot ng pagkakahati-hati, pagkamuhi at takot ang kasalukuyang ginagawa ng pangulo at maghahatid ng maling katuruan sa mga kabataan.

“It is high time that those who are closed to him must correct him, advise him of good manners because his words instills hatred and creates division and torments fear,” dagdag ni Bishop Santos.

Pinayuhan ni Bishop Santos ang pangulong Duterte na ipahayag ang katotohanan para sa pag-unlad ng bayan at pagkatao ng mga Filipino nang may paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,297 total reads

 51,297 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,899 total reads

 130,899 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,346 total reads

 164,346 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,644 total reads

 199,644 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,127 total reads

 424,127 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top