Mapayapa, maayos at tapat na halalan, hamon sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 767 total views

Malaking hamon sa mga Filipino ang pagtiyak na mapanatili ang kapayapaan, katapatan at kaayusan ng halalan sa bansa.

Ito ang apela ni Rev. Fr. PSSUPT. Lucio Rosaroso Jr., Vicar General for Philippine National Police mula sa Military Ordinariate of the Philippines kaugnay sa nakatakdang 2019 Midterm elections.

Ayon sa Pari, mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa upang ganap na mabantayan ang pagkakaroon ng mapayapang halalan sa bansa hindi lamang para sa May 2019 Midterm Elections kundi maging sa nakatakdang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law sa Mindanao.

“Ang hamon sa atin yung every minute, every moment tayo that we are to be on guard always para mapanatili itong peace, yung honest at saka yung may integrity na eleksyon…” pahayag ni Father Rosaroso sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, pinangunahan ng Military Ordinariate of the Philippines ang Interfaith Prayer Rally na bahagi ng 2019 Midterm Elections Unity Walk, Interfaith Prayer Rally and Peace Covenant signing na inorganisa ng Commission on Election (COMELEC) at Philippine National Police (PNP).

Hudyat ito sa pagsisimula ng election period para sa nakatakdang halalan.

Bukod sa Military Ordinariate of the Philippines, nakibahagi rin sa ginawang Interfaith Prayer Rally ang Philippine Council of the Evangelical Churches at Imam Council of the Philippines.

Layunin ng COMELEC at PNP na maidaos ng maayos at mapayapa ang nakatakdang halalan sa bansa sa pamamagitan ng pag-imbita sa iba’t ibang sektor na nakikibahagi upang mapanatili ang kaayusan at katapatan sa halalan.

Tinatayang umabot sa mahigit 6,000 ang dumalo sa pagtitipon mula sa iba’t ibang sektor na nananawagan ng kaayusan at kapayapaan sa darating na halalan kabilang na ang 600 volunteers mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 22,119 total views

 22,119 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 96,733 total views

 96,733 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 176,812 total views

 176,812 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 219,951 total views

 219,951 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 219,711 total views

 219,711 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top