Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo sa pamahalaan, panagutin ang mga sangkot sa passport data breach

SHARE THE TRUTH

 316 total views

Umaapela sa pamahalaan ng masusing imbestigasyon ang pinuno ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa passport data breach.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat panagutin sa batas ang mga responsable sa pagkawala ng mga impormasyon ng mga Filipinong passport holder dahil maaring manganganib ang seguridad ng bawat mamamayan.

“We at CBCP-ECMI support for investigation about data breach in passport system. We appeal for thorough investigation, no sacred cows, those guilty be prosecuted,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na dagdag pahirap sa mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers ang hinihingi ng Department of Foreign Affairs na birth certificate sapagkat karagdagang gastos ito sa mga Filipino.

Sa pahayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., tinangay ng dating contractor na nag-iimprinta ng mga pasaporte ang mga dokumento makaraang hindi nagrenew ang ahensya sa kanilang serbisyo.

Nanawagan ang mga mambabatas sa DFA na ipaliwanag ang pangyayari lalo’t magdudulot ito ng panganib sa mga may pasaporte dahil maaring maikalat sa publiko ang kanilang mga personal na impormasyon.

Bukod dito inihayag din ng Malacañang na dapat imbestigahan ang nasa likod ng data breach sapagkat mahalaga ang mga dokumentong nawawala sa Department of Foreign Affairs.

Iginiit ni Bishop Santos na ang pagpapanagot sa mga nagkasala ay isang mabuting hakbang bilang naglilingkod sa bayan.

“To investigate, to correct the mistakes and mess, and to punish the guilty is great service to the country, especially to our OFWs whom we rightly called our modern day heroes,” panawagan ni Bishop Santos.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,421 total views

 6,421 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,737 total views

 14,737 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,469 total views

 33,469 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 49,979 total views

 49,979 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,243 total views

 51,243 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 17,243 total views

 17,243 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 20,581 total views

 20,581 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top