Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag sumuko sa mga naligaw ng landas sa droga -Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 128 total views

Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Vicariate launching ng Sanlakbay program ng Restorative Justice Ministry ng Caritas Manila sa San Juan Bautista parish o Pinaglabanan church, San Juan.

Ayon kay Cardinal Tagle, hindi dapat sinusukuan ang mga taong inaakala nating patapon na ang buhay at wala nang silbi sa lipunan.

Ipinaunawa ni Cardinal Tagle ang mga taong minamaliit at itinatapon ng lipunan ay lubos na pinapapahalagahan ng Diyos.

“Magandang leksiyon ito sa atin, huwag tayong magmamaliit ng tao, huwag tayong magsasabi na ang taong ito wal na itong silbi, huwag tayong sususko at magsasabi ang taong ito wala ng pag-asa, puwede na itong patapon. Hindi po baka tayo ay magulantang, ang tao na minamaliit at kulang na lang ay itapon, pupulutin yan ng Diyos at balang araw ang itinanpon mo baka iyan ang lalapitan mo, kailangan mo pala. Kaya iiwasan ang magmaliit ng kapwa, iwasan ang magsasabi wala kang silbi. Hindi natin alam kung ano ang gagawin ng Diyos, ang itinatapon ng tao pinahahalagahan ng Diyos at baka sa kamay ng Diyos may milagrong mangyayari .”apela ni Cardinal Tagle

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle sa mga biktima ng pangmamaliit ng lipunan na huwag matakot dahil ang Diyos mismo ang mag-aangat sa kanilang buhay.

Naniniwala ang kanyang Kabunyian na ang mga taong itinapon at hindi pinahalagahan ay siyang itatampok ng Diyos at magiging daan ng paghilom ng lipunan at magpapaganda ng sambayanan.

Hinihikayat naman ni Cardinal Tagle ang mamamayan na ang programang Sanlakbay para sa nalulong sa illegal na droga ay nangangailangan ng pagtutulungan ng ibat-bang grupo kasama ang Simbahan at ng buong sambayanan.

Nilinaw ng Kardinal na ang Sanlakbay program ay pagpapakita sa mga taong gustong magbagong buhay na mayroon silang kasama sa kanilang paglalakbay tungo sa pagbabago ng buhay.

“Ang tawag sa ating programa ay Sanlakbay, isang paglalakbay tungo sa pagpapanibagong buhay. Hindi nakukuha sa isang iglap kailangan ng pagtitiyaga, isa itong journey, sama-samang naglalakbay. Mahirap maglakbay tungo sa bagong buhay, kung ikaw ay nag-iisa, kailangan natin ng kasama, kapatid, ka- manlalakbay .”paliwanag ni Cardinal Tagle

Ipinaalala naman ni Cardinal Tagle ang tatlong bagay na nakakasira sa dangal at buhay ng tao tulad ng pagbebenta sa tao o human traffic, huwag magmaliit ng tao at huwag iwanan ang taong gustong magbagong buhay.

“Una huwag ibebenta ang tao, mas mahalaga ang tao sa kahit na anong kikitain. Ikalawa, huwag mamaliitin ang kahit na sinong tao, ang taong minamaliit baka iyan ang itampok ng Diyos. At ikatlo, sa bawat tao na ibig magbagong buhay kailangan magtulong -tulong ang buong sambayanan. Ang tao ay produkto ng paglalakbay ng isang sambayanan .”paliwanag ni Cardinal Tagle

Inaanyayahan din ni Cardinal Tagle ang taumbayan sa pagsusuri ng ibat-ibang uri ng pagpatay sa dangal ng tao ngayong kuwaresma.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,662 total views

 16,662 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 24,143 total views

 24,143 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 37,283 total views

 37,283 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 43,256 total views

 43,256 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 49,010 total views

 49,010 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 16,233 total views

 16,233 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December 25, 2018 It is Christmas. It means that God has become like us in all things except sin. God has embraced our hunger and poverty. God has joined us in

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 16,243 total views

 16,243 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon Today is the feast of Saint Matthew one of the writers of the Gospel. He found Jesus. He followed Jesus. He wrote about Jesus. He died like Jesus offering the

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Final Message of the Second Synod of Lingayen Dagupan

 16,229 total views

 16,229 total views MESSAGE to the PEOPLE OF GOD Communioas Gift and Mission We were called together by the Lord and now he sends us forth! We your brothers and sisters, members of the Second Synod of Lingayen Dagupan,came together in the name of the Lord around our Archbishop Socrates from the many different parishes, schools

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 16,269 total views

 16,269 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S. David Santa Quiteria Parish Church Diocese of Kalookan Caloocan city Dear brother priests in the Diocese of Kalookan, especially the parish priest of Santa Quiteria Parish, Fr. George Alfonso, MSC,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Trafficking of person, kinondena ng Diocese of Antipolo

 16,239 total views

 16,239 total views Nagpahayag ng mariing pagkundena ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo laban sa human trafficking of persons matapos ang kasong kinakaharap ng isang pari ng diocese. Ayon kay Bishop De Leon, seryoso ang kasong kinakaharap ni Monsignor Arnel Lagarejos na trafficking of minor. Kasabay nito, ipinarating ng Obispo ang kanyang pakikisimpatya sa batang sinasabing

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Wholistic formation sa mga kabataan, apila ni Cardinal Tagle sa mga catholic school

 16,222 total views

 16,222 total views Ibigay sa mga kabataan ang wholistic formation. Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Catholic schools sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Unang pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga kabataang mag-aaral na bilang bahagi ng catholic education ay dapat unang matutunan ang pagpapakumbaba, maging maliit, handang

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Blood donors, malugod na pinasalamatan ni Cardinal Tagle.

 16,232 total views

 16,232 total views Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga blood donors sa ipinagkaloob na regalong buhay para sa kanyang kaarawan. Ayon kay Cardinal Tagle,napakagandang ipagdiwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa iba sa pamamgitan ng blood letting o donasyon ng dugo. Sa pamamagitan nito,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 16,381 total views

 16,381 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa death penalty bill na isinusulong sa Senado. Para lalong patatagin at palawakin ang pagpapahalaga sa buhay, nagpalabas ng circular letter si Cardinal Tagle para sa lahat ng parokya sa arkidiyosesis

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 16,827 total views

 16,827 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya. Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Simbahan at pamahalaan, hindi maaring maghiwalay

 16,504 total views

 16,504 total views Hindi maaring maghiwalay ang Simbahan at pamahalan sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Filipino. Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang gobyerno ang may responsibilidad sa materyal na pangangailangan ng sambayanan habang ang Simbahan ang sa pang-esperitwal at moralidad ng mga tao. Tiniyak ni Cardinal Rosales na magiging matagumpay ang paglilingkod ng Simbahan

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 16,280 total views

 16,280 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Archdiocese of Lipa sa San Sebastian cathedral kahapon, Abril 21, 2017. Ayon kay Archbishop Villegas, ang Obispo ay tinatawag kakambal ang pagkamatay sa sarili upang tunay

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 16,271 total views

 16,271 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education San Jose Bishop Roberto Mallari na yakapin ng mapagmahal na preseniya ng Diyos ang kaluluwa ng 35-pasahero na nasawi sa bus accident. Ipinanalangin din ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mabuhay sa pagmimisyon, hamon ni Cardinal Tagle sa mananampalataya

 16,228 total views

 16,228 total views Ito ang buod ng mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa padiriwang ng Simbahan ng Linggo ng pagkabuhay o Easter Sunday. Ayon kay Cardinal Tagle, ang libingan ng patay na katawan ni Hesus ay nawalan ng laman upang makapagbigay ng liwanag at buhay sa sangkatauhan. Sinabi ni Cardinal Tagle

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Patanggap kay Hesus, pagtanggap sa mga dukha

 16,254 total views

 16,254 total views Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral. Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Panalangin at pagsakripisyo sa mahal na araw, i-alay para sa kapayapaan sa bansa.

 15,936 total views

 15,936 total views Hinikayat ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na i-alay ang panalangin, pagsa-sakripisyo at pag-aayuno ngayong Semana Santa sa pagkakaroon ng kapayapan sa Pilipinas. Ayon kay Bishop Santos, mahalagang sama-samang ipanalangin ang katahimikan sa Mindanao at buong bansa. Hinimok ng Obispo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top