15,041 total views
Hinimok ni Father Roy Bellen – pangulo ng Radyo Veritas ang mananampalataya na palalimin ang pagdedebosyon at i-ayon ang buhay kawangis ng Birheng Maria.
Ito ang paalala ng Pari ngayong araw sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.
Hinimok ng Pari ang bawat isa na bukod sa holidays at double pay ay pag-alala ito sa paglilihi kat Maria at paghahanda ngayong panahon ng Adbiyento sa pagdating ni Hesukristo sa mundo.
“Unang-una po, happy fiesta po sa atin pong lahat. Ito pong araw na ito ay nakatutuwa sa ating bansa. It has also become a holiday. Ito po ay araw na wala pong pasok, wala pong trabaho. Kaya sana ito rin po ay ating magamit kung para saan po talaga ito — araw po na tayo magpasalamat sa biyaya ng ating Panginoon. Of course, pinanganak sa pamamagitan ng ating mahal na Ina, ang Birheng Maria. Nawa ang ating pamimintuho sa Mahal na Ina, na sa Pilipinas ay talagang napakakilala at napakasikat,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.
Ipinagdarasal ng Pari na sa pamamagitan ng pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria ay higit na maisabuhay ng mga mananampalataya, at nang bawat Pilipino ang paggawa ng mabuti.
Ito ay upang maipadama sa kapwa ang pagmamahal ng Panginoon katulad ng pagkalinga ni Maria kay Hesus at pagkalinga nang Mahal na Ina para sa Sangkatauhan sa harap ng anumang hamon.
Sa huli, panalangin ng Pari ang pamamayani ng kapayapaan sa mundo at puso ng bawat isa.




