Iglesia Filipina Independiente, nagpahayag ng pakikiramay at pakikiisa sa pagpanaw ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,799 total views

Nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa mga kapatid sa Simbahang Katolika kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon kay Bishop Vicente Salvador Ballesteros, ang kasalukuyang nangangasiwa sa Diyosesis ng Greater Manila Area ng IFI, ay isa sa mga lumagda sa kasunduan ng mutual recognition sa pagitan ng IFI at ng Simbahang Katolika, partikular hinggil sa pagkilala sa bisa ng binyag na isinagawa sa alinmang simbahan.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Ballesteros, ipinaabot ng IFI ang taos-pusong pakikiramay at simpatya sa pamayanan ng mga Katoliko sa pagyao ni Pope Francis.

Ipinahayag din ng obispo ang paghanga sa pamumuno ng Santo Papa, lalo na ang kanyang mga naging hakbang para sa ekumenismo at pagkakaisa ng mga simbahan, at sa pagtatanggol sa karapatang pantao.

“Ginagalang natin siya sa larangan ng ekumenismo, at hinahangaan siya ng napakaraming simbahan dahil sa mga bagay na kanyang isinagawa sa panahon ng kanyang panunungkulan,”ani Ballesteros.

Binigyang-diin niya ang mga kontribusyon ng Santo Papa, kabilang ang pagkakanonisa kay Bishop Oscar Romero, na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

“Sa isang banda, ang ating mahal na Santo Papa ay isang mahusay na liberation theologian in his own right. Siya nga ay tinatawag ngayon ng marami bilang Santo Papa ng Masa,” dagdag pa ng obispo.

Pinuri rin niya ang malasakit ng Santo Papa sa mga mahihirap at sa kalikasan.
“Sa mundong punô ng poot, nararapat lamang na tularan natin si Pope Francis—sa kanyang katapangan sa pagpapahayag ng awa, pagmamahal sa mga naghihirap, at malasakit sa mundo at kalikasan,” ani Ballesteros.

“Ang buong simbahan ay nakikiramay at makakaasa kayo na kami ay mananalangin kasama ninyo. Nawa’y tunay niyang kamtin ang gantimpalang ipinangako ng Panginoon—ang buhay na walang hanggan,” ani Bishop Vallesteros.

Ang kasunduan sa pagitan ng IFI at ng Iglesia Romana Katolika hinggil sa mutual recognition ng binyag ay itinuturing na mahalagang hakbang patungo sa mas malalim na ugnayan ng mga Kristiyanong simbahan sa Pilipinas—isang patunay ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BREAKDOWN OF MORALITY

 3,145 total views

 3,145 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 33,287 total views

 33,287 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 54,267 total views

 54,267 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 76,566 total views

 76,566 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 249,301 total views

 249,301 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top