Mamamayang Pilipino, hinimok na iwasan ang pagsusulong kay Cardinal Tagle na susunod na Pope

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,993 total reads

Sa gitna ng pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis, nananawagan ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na iwasan muna ng publiko ang hayagang pagsusulong kay Cardinal Luis Antonio Tagle bilang susunod na Santo Papa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, ang usapin ng susunod na pinuno ng simbahan ay pagpapasyahan ng mga cardinal electors sa gaganaping conclave.

“We leave it to the Cardinal-electors to decide who will succeed Pope Francis. It’s not prudent for the people to publicly push for Cardinal Tagle as the next Pope since it may be misconstrued that the conclave can be influenced by outside forces if and when Cardinal Tagle indeed becomes the next pontiff,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr. Secillano sa Radyo Veritas,
Iginiit ng opisyal na mahalaga ang pagiging malaya at independyente ng mga cardinal-electors sa pagpili ng magiging pinuno ng Simbahang Katolika, at hindi dapat makialam ang sinuman sa labas ng conclave.

“The independence of the electors should be respected, and the least that we can do is to pray for Cardinal Tagle and the rest of the Cardinal-electors,” dagdag pa niya.
Ang conclave ay ang sagradong pagpupulong ng mga cardinal ng Simbahang Katolika upang pumili ng bagong Santo Papa kapag ang dating Papa ay namatay o nagbitiw sa tungkulin.
Ang Conclave ay binubuo ng mga cardinal-electors na wala pang 80-taong gulang sa araw ng pagkamatay ng Santo Papa.

Sa kasalukuyan ay may 135 ang cardinal-elector ang simbahan, kabilang na ang tatlong cardinal ng Pilipinas na sina Cardinal Tagle-ang dating arsobispo ng Maynila at kasalukuyang miyembro ng Roman Curia sa Vatican, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng CBCP at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Sa ngayon, nakatuon ang Simbahang Katolika sa pagbibigay-pugay sa yumaong Santo Papa, habang inaasahan ang pagpupulong ng mga cardinal upang itakda ang petsa ng conclave kung saan pipiliin ang susunod na pinuno ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 79,566 total reads

 79,566 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 114,129 total reads

 114,129 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 149,429 total reads

 149,429 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,698 total reads

 375,698 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,803 total reads

 264,803 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,588 total reads

 12,588 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top