SCMP, nagpahayag ng paghanga kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,888 total views

Nagpahayag ng pakikiisa sa pagluluksa ng buong Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pope Francis ang mga grupo ng kabataan mula sa iba’t ibang denominasyon sa bansa.

Inihayag ni Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) National Chairperson Kej Andres ang paghanga kay Pope Francis ng mga kabataan mula sa iba’t ibang denominasyon lalo’t higit sa pambihirang adbokasiya at paninindigan ng Santo Papa sa pagsusulong ng karapatan ng mga karaniwang naisasantabi sa lipunan kabilang na ang mga migrante, kababaihan at mga mahihirap.

“There is deep mourning among peoples of the world on the passing of Pope Francis. He was a very beloved Pope that advocated for the rights of migrants, women, and most especially the poor.” Bahagi ng pahayag ni Andres.

Ayon kay Andres, sa kabila ng mundong nababalot ng kawalang katiyakan at pagkakanya-kanya ay kahanga-hanga ang ganap na pagsasabuhay at pagpapamalas ni Pope Francis ng habag, awa, pag-ibig at biyaya mula sa Panginoon lalo na para sa mga dukha o anawim.

Kinilala rin ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang pagsusulong ni Pope Francis na matiyak ang pagbibigay halaga hindi lamang sa dignidad at kapakanan ng mga marginalized sectors sa lipunan kundi maging sa mga inosenteng mamamayang naiipit sa armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa.

“We are in a world clouded with the airs of indifference and uncertainty. Yet he was inspired by the Lord’s mercy and compassion and became a daring shepherd that advocated for the anawim, like the lives of Palestinians. Pope Francis reminded the world that faith must never be detached from the cries of the poor and the wounded. He challenged systems that treat people as disposable, and instead walked with those who have long been pushed to the marginalized sectors of workers, refugees, communities under siege,” Dagdag pa ni Andres.

Inalala rin ni Andres ang naging makasaysayang Apostolic Visit ni Pope Francis sa Pilipinas noong January 15–19, 2015 kung saan personal na naipadama ng punong pastol ng Simbahang Katolika sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas ang presensya ng Panginoon, habang dinaluhan naman ng may 6 hanggang 7 milyon ang kanyang huling misa sa Quirino Grandstand sa Maynila na tinagurian bilang ‘largest papal event in history’.

“For Filipinos, he was vividly memorable during his 2015 papal visit for being a beacon of strength after typhoon Yolanda hit the Visayas. His final mass in Manila became the largest papal event in history.” Ayon pa kay Andres.

Sa loob ng 12-taong pagsisilbi ni Pope Francis bilang punong pastol ng Simbahang Katolika ay umabot na sa 68-mga bansa ang kanyang nabisita kung saan tuwinang hatid ng Santo Papa ang mensahe ng kapayapaan, katarungan, pagkakaisa, pagmamalasakit at pag-ibig sa kapwa tao.

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88-taong gulang noong April 21, 2025 isang araw makalipas ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,738 total views

 49,738 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,607 total views

 45,607 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,809 total views

 81,809 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,451 total views

 90,451 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,571 total views

 115,571 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top