Mananampalataya, hinimok na bisitahin ang Divine Mercy Shrine sa Puerto Princesa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,930 total reads

Hinimok ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mananampalataya na mag-pilgrimage sa Divine Mercy Shrine sa Sicsican, Puerto Princesa City.

Ito ang paanyaya ng obispo kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday sa April 27 kung saan inatasan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga simbahan na italaga ang Pilipinas sa Divine Mercy.

Sinabi ni Bishop Mesiona na magkakaroon ng sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal bilang paraan ng paggawad ng dakilang habag at awa ng Panginoon at matanggap ang mga kaakibat na biyaya ng kapistahan ng Divine Mercy.

“I invite everyone to make a personal pilgrimage to the Divine Mercy Shrine in Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, especially on April 27. Confessions will be available on Saturday morning and throughout the whole day of Divine Mercy Sunday. There will also be Masses available on Divine Mercy Sunday,” bahagi ng paanyaya ni Bishop Mesiona.
Inihayag ng CBCP na ang pagtatalaga ng bansa sa Banal na Awa ng Diyos ay sama-samang tugon ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga karanasan at kinakaharap na pagsubok ng bayan sa kasalukuyang panahon.

Hinikayat ni Bishop Mesiona ang nasasakupang mananampalataya na makiisa sa mga gawaing inihahanda ng bawat parokya lalo na ang pag-usal ng itinakdang panalangin sa Divine Mercy consecration.
Sa isang pahayag ni St. Faustina Kowalska na natatanging araw ang Divine Mercy Sunday na ipinagdiriwang ng simbahan tuwing ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sapagkat ipinagkakaloob ng Diyos ang lubos na kapatawaran sa mga kasalanan at tinatanggal ang anumang parusa sa mga taong lubos ang pagsisisi sa mga pagkakasalang nagawa at dumudulog sa sakramento ng kumpisal.

“Let us prepare ourselves spiritually for Divine Mercy Sunday by examining our consciences, seeking reconciliation through the Sacrament of Confession, and resolving to live a life of greater love and compassion. Let us avail ourselves of the graces offered on this day, trusting in the boundless mercy of God,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Naglabas naman ng kopya ng panalangin ang CBCP na ipinamamahagi sa mga parokya na dadasalin sa lahat ng mga misa sa Divine Mercy Sunday sa April 27.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,379 total reads

 81,379 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,816 total reads

 115,816 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,116 total reads

 151,116 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,385 total reads

 377,385 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,426 total reads

 266,426 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top