Iglesia Filipina Independiente, nagpahayag ng pakikiramay at pakikiisa sa pagpanaw ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,047 total reads

Nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa mga kapatid sa Simbahang Katolika kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon kay Bishop Vicente Salvador Ballesteros, ang kasalukuyang nangangasiwa sa Diyosesis ng Greater Manila Area ng IFI, ay isa sa mga lumagda sa kasunduan ng mutual recognition sa pagitan ng IFI at ng Simbahang Katolika, partikular hinggil sa pagkilala sa bisa ng binyag na isinagawa sa alinmang simbahan.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Ballesteros, ipinaabot ng IFI ang taos-pusong pakikiramay at simpatya sa pamayanan ng mga Katoliko sa pagyao ni Pope Francis.

Ipinahayag din ng obispo ang paghanga sa pamumuno ng Santo Papa, lalo na ang kanyang mga naging hakbang para sa ekumenismo at pagkakaisa ng mga simbahan, at sa pagtatanggol sa karapatang pantao.

“Ginagalang natin siya sa larangan ng ekumenismo, at hinahangaan siya ng napakaraming simbahan dahil sa mga bagay na kanyang isinagawa sa panahon ng kanyang panunungkulan,”ani Ballesteros.

Binigyang-diin niya ang mga kontribusyon ng Santo Papa, kabilang ang pagkakanonisa kay Bishop Oscar Romero, na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

“Sa isang banda, ang ating mahal na Santo Papa ay isang mahusay na liberation theologian in his own right. Siya nga ay tinatawag ngayon ng marami bilang Santo Papa ng Masa,” dagdag pa ng obispo.

Pinuri rin niya ang malasakit ng Santo Papa sa mga mahihirap at sa kalikasan.
“Sa mundong punô ng poot, nararapat lamang na tularan natin si Pope Francis—sa kanyang katapangan sa pagpapahayag ng awa, pagmamahal sa mga naghihirap, at malasakit sa mundo at kalikasan,” ani Ballesteros.

“Ang buong simbahan ay nakikiramay at makakaasa kayo na kami ay mananalangin kasama ninyo. Nawa’y tunay niyang kamtin ang gantimpalang ipinangako ng Panginoon—ang buhay na walang hanggan,” ani Bishop Vallesteros.

Ang kasunduan sa pagitan ng IFI at ng Iglesia Romana Katolika hinggil sa mutual recognition ng binyag ay itinuturing na mahalagang hakbang patungo sa mas malalim na ugnayan ng mga Kristiyanong simbahan sa Pilipinas—isang patunay ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 79,574 total reads

 79,574 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 114,137 total reads

 114,137 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 149,437 total reads

 149,437 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,706 total reads

 375,706 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,811 total reads

 264,811 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,589 total reads

 12,589 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top