231 total views
Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Rev. Fr. Raul Dael bilang bagong Obispo ng Diocese of Tandag.
Ito ay makaraang tanggapin ng Santo Papa Francisco ang pagreretiro ni dating CBCP President Bishop Nereo Odchimar na sa kasalukuyan ay 77-taong gulang na o na higit na retirement age na 75.
Si Bishop Odchimar ay nagsilbi sa Tandag sa loob ng 17 taon at nagsilbi rin bilang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong 2009-2011.
Si Bishop-elect Dael ay ang kasalukuyang Episcopal Vicar for Clergy ng Archdiocese of Cagayan De Oro.
Siya ay isinilang noong October 10, 1966.
Nagtapos ng Philosophy sa Xavier University sa Cagayan De Oro City at nag-aral ng Theolgy sa St. John Vianney Seminary.
Ang 51 taong gulang na si Bishop-elect Dael ay tubong Misamis Oriental at naordinahan bilang pari noong June 1993, nagsilbing Parochial Vicar ng Metropolitan Cathedral matapos ay nagsilbi ring Parochial Administrator ng St. Peter Apostle parish sa Sugbongcon Misamis Oriental.
Simula 2003 hanggang 2009 ay nagtungo ito para mag-aral sa Pontifical Gregorian University sa Roma at nagbalik bansa para magturo ng Pastoral Theology.
Si Bishop-elect Dael ang ikatlong Obispo ng Diocese ng Tandag na itinatag noong 1978 na dating bahagi ng Diocese of Surigao.
Ang Diocese ng Tandag ay binubuo ng 80 porsiyento ng mga Katoliko sa kabuuang 700,000 populasyon na may 24 na parokya na pinangangasiwaan ng may 50 mga pari.