Iligan City, ligtas sa banta ng terorismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,028 total views

Ito ang tiniyak ni Iligan Bishop Elenito Galido bagamat pinakamalapit ang lungsod sa Marawi City kung saan nagaganap ang kaguluhan.

Inihayag ni Bishop Galido na ang Iligan City din ang nagsisilbing evacuation centers ng mga residenteng nagsilikas sa Marawi dahil sa labanan.

Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa Martial Law ng buong Mindanao – ang ikalawa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas na sumasakop sa 25 lalawigan at 27 lungsod kabilang na ang Iligan.

“We feel that we are secured, at least yung fear of the people sa mga rivals of the Maute groups at least restrained very well. Binabantayan ang mga lagusan may mga checkpoint to prevent na mapasok ng bad elements,” pahayag ni Bishop Galido sa Radio Veritas.

Ayon kay Bishop Galido, maraming sundalo at pulis ang mga nagbabantay sa Iligan upang matiyak na hindi makapasok ang mga terorista o miyembro ng Maute group.

“Binabantayan kami ng PNP sundalo, napapaligiran kami ng mga security people, we have also our security measures like ung mga security personnel naming sa mga simbahan at saka ang mga tao ay binibigyan namin ng instruction na whoever na suspicious at whatever is suspicious should be immediately reported to the authority,” ayon pa sa pahayag ng Obispo.

Ang Iligan ay may 37 kilometro ang layo mula sa Marawi kung saan karamihan ng higit sa 200 libong nagsilikas na residente ay dito nagtutungo para makipanirahan sa kanilang mga kamag-anak bukod pa sa 63 evacuation centers ng pamahalaan.

Kumpara sa Marawi City na mayorya ang mga Muslim, ang Diocese ng Iligan ay binubuo ng higit sa isang milyong populasyon kung saan 60 porsiyento ay mga Kristiyano.

Inamin naman ng Obispo na kakaunti sa ngayon ang nagsisimba tuwing araw ng Linggo dahil sa takot ng mga mamamayan na lumabas ng tahanan.

“People don’t want to go out at this time,” ayon kay Bishop Galido.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 111,570 total views

 111,570 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 133,680 total views

 133,680 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 207,671 total views

 207,671 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 203,030 total views

 203,030 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top