Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 104,553 total views

Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online

Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang mangyari at magpatuloy sa ating bansa ang tinatawag na online sexual abuse and exploitation of children (o OSAEC).We must do more,” giit niya sa kanyang talumpati kamakailan sa isang pagtitipon para pag-usapan ang karumal-dumal na krimeng bumibiktima sa mga musmos.

Batay sa Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act, ang OSAEC ay ang paggamit ng information and communications technology (o ICT) para abusuhin at pagsamantalahan ang mga bata. Kasama sa mga porma nito ang pagpapakalat ng larawan ng mga menor de edad, pagbubugaw sa kanila gamit ang internet, at pag-livestream ng aktwal na sekwal na pang-aabuso sa kanila. Sa madaling salita, ginagawang sexual objects o parang kalakal ang mga bata para gawing libangan ng mga nakatatanda.

Sa Catholic social teaching na Amoris Laetitia, isa ang sekswal na pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata sa mga tila anay na sumisira sa mga pamilya. Isa itong iskandalo at kasuklam-suklam na katotohanan sa ating lipunan ngayon. Mas malaking iskandalo ito kung nagaganap ang pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata sa mga lugar kung saan sila pinakaligtas dapat gaya ng kanilang tahanan, eskuwelahan, komunidad, at maging sa simbahan. Nakapanlulumong isiping sa murang edad ng mga batang biktima ng OSAEC, nadungisan at nawasak na ang kanilang dignidad at kinabukasan.

Sa datos ng Philippine National Police (o PNP) noong 2023, lampas 17,000 ang ini-report na kaso ng paglabag sa karapatan ng mga bata, at kasama sa mga ito ang OSAEC. Hanggang noong Nobyembre ng nakaraang taon, mahigit sanlibong biktima ng OSAEC ang naitala ng kapulisan. Siguradong maraming kaso ang hindi pa o hindi na naiparating sa kinauukulan.

Ang mga internet companies naman sa bansa ay nagsabing nakapag-block sila noong isang taon din ng mahigit 900,000 na websites na naglalaman ng child sexual abuse and exploitation materials. Nakapag-monitor sila ng mahigit dalawang milyong attempts o pagtatangkang pumunta sa mga websites na naglalaman ng mga larawan at video kung saan ginagawa ngang sexual objects ang mga menor de edad.

Sa isang pagsasaliksik na ginawa naman ng International Justice Mission, lumabas na noong 2022 lang, halos kalahating milyong batang Pilipino ang biktima ng online human trafficking. Para silang mga produktong ikinakalakal at ibinebenta online sa mga tinatawag na sexual predators o mga nakatatandang hayók sa laman. Ang lubhang nakababahala, ayon pa rin sa pag-aaral, mismong mga kamag-anak o kakilala ng mga biktima ang nagbubugaw sa mga bata. 

Mga Kapanalig, katulad ng naramdaman ni Pangulong BBM, napakabigat sa kaloobang malaman na laganap ang OSAEC sa ating bansa. Ngunit ang pagpigil dito ay magsisimula sa ating mga tahanan, paaralan, at maging sa simbahan. Obligasyon nating mga nakatatandang tiyaking ligtas ang mga bata. Napakabilis na ng komunikasyon ngayon at dagdag na panganib pa ang pagsikat ng AI o artificial intelligence. Maging responsable tayo sa paggamit ng teknolohiya, at turuan din natin ang ating mga anak at apo na maging maingat din. Isama dapat sa curriculum sa mga paaralan ang pagtuturo ng online literacy para alam na ng mga batang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa pang-aabuso. Maging masigasig din dapat ang gobyerno sa pagtugis sa mga bumibiktima sa mga bata. Wika nga sa Mga Awit 82:4, “sa kamay ng masasama, [ang mga bata] ay dapat na iligtas.”

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 75 total views

 75 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 16,164 total views

 16,164 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 54,003 total views

 54,003 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,954 total views

 64,954 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,262 total views

 11,262 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 76 total views

 76 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 16,165 total views

 16,165 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 54,004 total views

 54,004 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,955 total views

 64,955 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 90,255 total views

 90,255 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 90,982 total views

 90,982 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 111,771 total views

 111,771 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 97,232 total views

 97,232 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 116,256 total views

 116,256 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top