Iligtas ang mga biktima ng droga, huwag patayin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 368 total views

Umapela ng pagkakaisa sa sambayanang Filipino ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang sama-samang tugunan sa positibong paraan ang problema ng bansa sa illegal na droga.

Ayon kay CBCP Vice President Kaloocan Bishop Pablo Virgillo David, ngayong taong 2018 ay napapanahon na upang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at paraan ng pagsugpo sa problema sa illegal na droga mula sa naging marahas na pamamaraan ng pamahalaan noong nakalipas na taon.

Apela ng Obispo, sa halip na patayin ang mga drug pushers, users at runners na pawang mahihirap mula sa mga urban poor communities ay dapat silang iligtas mula sa pagiging biktima ng pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot.

“Iligtas natin ang mga biktima, ang mga dukha sa mga Urban Poor Communities sila po ay biktima, sila yung binibentahan ng sangkaterbang droga, ang hirap na nga ng buhay kapag nalulong pa yan sa bisyo ng droga ay lalong malulugmok sa karukhaan ang kanilang mga buhay kaya sana magkaisang pananaw tayo na ang approach natin ay positive hindi punitive…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa rin ang Obispo na ngayong taon ay tuluyan ng magkakaroon ng pagbabago sa pananaw tungkol sa kahalagayan ng buhay ang sambayanan at manindigan mula sa marahas na pamamaraan ng mga otoridad sa kampanya laban sa ilegal na droga.

“Sana sa taon 2018, sana magkaisa tayo ng pananaw ano po, sana makita talaga natin ang pananaw ng kahalagahan ng buhay, ang dignidad ng buhay ng tao” apela ni Bishop David.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates o PAHRA, umaabot na sa higit 13-libo ang drug related cases sa bansa sa War on Drugs ng pamahalaan.

Nauna nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco na bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon dahil ang mga lulong sa droga ay mga biktima na nawalan ng kalayaan dahil sa pang-aalipin ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 26,637 total views

 26,637 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 48,642 total views

 48,642 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 72,984 total views

 72,984 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 96,672 total views

 96,672 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 130,450 total views

 130,450 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top