Pag-unlad ng kalikasan at mamamayan, dapat maging balance

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 796 total reads

Mahalagang maging balanse ang epekto ng pag-unlad sa kalikasan at sa mamamayan.

Ito ang paalala ni CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa patuloy na pagdami ng kalat sa kapaligiran lalo na sa buong kamaynilaan.

Ayon sa Obispo, tunay na hindi masama ang pagiging moderno ng panahon dahil malaki ang naitutulong nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao subalit kinakailangan ding balansehin ang epekto nito lalo na sa kalikasan.

“Natutuwa tayo sa modernong panahon. Sinasabi natin sa awit, “hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating.” Walang duda, ganyan ang sinasabi natin sa ating sarili, na parang malayu-layo ang ating narating. Pero hindi ba sabi rin ng awit, “ngunit masdan mo ang tubig sa dagat, na dating kulay asul naging itim.” pahayag ng Obispo.

Pinaalalahanan din ni Bishop David ang bawat isa na isaisip na hindi lamang tao ang may karapatang mabuhay sa daigdig.

Iginiit ng Obispo na mahalagang igalang at bigyang pagpapahalaga ng tao ang kapaligiran, kabilang na ang mga hayop at halamang nilikha ng Diyos upang pamahalaan ng tao.

“Hindi naman masama ang pag-unlad pero sana magtrabaho tayo para sa isang pag-unlad na mulat na ang mundo ay isang tahanan para sa ating lahat. The earth is our common home at kapamilya din natin. Hindi lang tayo ang may karapatang mabuhay. Lahat ng mga nilalang ng Diyos sa ating kapaligiran dapat ituring din natin na bahagi ng pamilyang ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na nilikha niya bilang tagapangalaga.” Dagdag pa ni Bishop David

Dahil dito, binigyang diin ng Obispo na upang maibalik sa dati ang kapaligiran at unti-unting mabawasan ang mga kalat sa paligid partikular sa Maynila ay kinakailangang paigtingin ang implementasyon ng R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Sa unang pagtataya ng Metro Manila Development Authority aabot sa 48 mga truck ng basura ang nahakot mula sa iba’t-ibang pasyalan sa Metro Manila habang nakapagtala naman ng 45 truck ng basurang nahakot mula sa Divisoria.

Samantala, batay sa National Solid Waste Management Commission, ang buong Metro Manila ay nakalilikha ng 9,213 tonelada ng basura kada araw kung saan ang 52% nito ay biodegradable, 41% ang recyclable at 7% ang residuals.

Sa kabuuan ang buong bansa ay nakalilikha ng tinatayang 40,087 tonelada ng basura kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 52,163 total reads

 52,163 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,574 total reads

 101,574 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,445 total reads

 149,445 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,393 total reads

 253,393 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,913 total reads

 336,913 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,940 total reads

 41,940 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,820 total reads

 34,820 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top