Green brigade, titiyaking malinis ang Traslacion 2018

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total views

Tiniyak ni Father Ric Valencia, Head Minister ng Archdiocese of Manila Ecology Ministry ang patuloy na “Green Formation” ng Simbahan sa mga mananampalataya partikular na sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na panatilihin ang kalinisan tuwing isinasagawa ang traslacion.

Ayon sa pari, mayroong Green Brigrade na isang grupo na binuo ng Quiapo Church upang magpaalala sa mga tao at tiyakin na magiging malinis ang dadaanan ng prusisyon.

Inihayag ni Father Valencia na ngayong taon ay mahahati sa dalawang grupo ang Green Brigade na titiyak na maging malinis ang dadaanan ng prusisyon at ang ikalawa naman ay upang muling linisin ang naiwang kalat sa oras na makadaan na ang prusisyon.

“Isa sa mga ginagawa na ng Quiapo Church noon pa man ay ang pag-organize ng Green Brigade. For example, yung nakaraang procession ng Thanksgiving, sila ang nauuna sa paligid upang tignan yung mga ruta ng dadaanan ng prusisyon, nililinis na po nila yun. And then pagkatapos ng procession, babalik sila para linisin ulit. May mga nauuna at may sumusunod sa prusisyon.” Pahayag ni Father Valencia sa Veritas.

Samantala, tinukoy ni Father Valencia na hindi masosolusyunan ang suliranin sa mga nagkalat na basura kung hindi maitutuwid ang pag-uugali ng mga tao.

Aminado ang pari na nahihirapan sila sa pangangaral sa mga tao subalit hindi tumitigil ang simbahan sa pagtuturo sa bawat isa ng responsableng pagtatapon ng mga basura.

“Ang problema kasi ng basura o yung hindi tamang ayos ng mga basura ay mainly because of the mindset… Pero ang maa-assure ko na hindi tumitigil at hindi tayo nagpapabaya sa pag-educate ng mga kababayan. Ang problema lang talaga dahil sa dami naman nila ay kung minsan mayroon din namang napaka-iresponsable.” Dagdag pa ng Pari.

Kaugnay dito, umapela si Father Valencia sa mga nais mag-volunteer na tumulong sa paglilinis ng inaasahang tone-toneladang basura na maiiwan sa traslacion.

Ayon sa pari ang pagpupulot ng mga basura ay isang mapagpakumbabang gawain at dito din mas maipamamalas ng isang tao ang kanyang debosyon at paggalang sa kapaligiran na nilikha ng Panginoon para sa sangkatuhan.

“Welcome ang mga grupo na gustong mag-participate [sa paglilinis] bilang debosyon din nila. Itong paglilinis ay isa sa pinakamalalim na ekspresyon ng ating pananampalataya. Maybe it’s humble but it is very powerful because it’s being grateful to the Creator who has given us the best as he can and particular his only son… So our attitude towards these gifts is also our act of gratefulness to the Creator.” Pagbabahagi ni Father Valencia.

Noong 2017 umabot sa 65 mga truck ng basura na katumbas ng 341.29 tons ang nahakot simula January 7 hanggang 10, halos kalahati ang itinaas ng bilang na ito kumpara sa 172.29 tonelada ng basurang nahakot noong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 7,828 total views

 7,828 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 40,910 total views

 40,910 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 69,261 total views

 69,261 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 136,991 total views

 136,991 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 159,502 total views

 159,502 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 352,943 total views

 352,943 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top