Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Implementasyon ng FOI, kaduda-duda- iDEFEND

SHARE THE TRUTH

 220 total views

Dismayado at duda ang In Defense of Human Rights and Dignity Movement o (iDEFEND) sa implementasyon ng Executive Order No. 02 o Freedom of Information na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hulyo.

Ayon kay Ellecer Carlos – tagapagsalita ng iDEFEND, hindi magiging epektibo ang layunin ng FOI dahil maraming exceptions sa pagpapatupad nito.

Dahil dito, patuloy aniyang kaduda-duda ang pangakong pagbabago ng administrasyon sa bansa kung hindi rin ganap na maipapatupad ang Freedom of Information.

“Ang dami kasing exceptions dyan eh, na-water-down siya ng husto so dyan sa Freedom of Information we have, we really have serious doubts whether meaningful change can take place…” Ang bahagi ng pahayag ni Ellecer Carlos – tagapagsalita ng iDEFEND sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, higit isang linggo lamang mula ng magsimula ang implementasyon ng FOI noong ika-25 ng Nobyembre, umaabot na sa 140 ang request na natatanggap ng FOI Portal ng pamahalaan, at apat pa lamang dito ang naaaprubahan.

Ayon sa tala ng Presidential Communications Office, sa bilang na ito mula sa 15-state agencies ay tanging ang PCO at ang Department of Budget and Management (DBM) pa lamang ang nag-aapruba ng tig-dalawang data request para sa kanilang ahensya.

Sa tala, nangunguna ang Department of Transportation sa may pinakamadaming data request na 23 na sinundan naman ng Department of Health na may 17, Department of Information and Communications Technology na may 15 at ng Philippine National Police at Philippine Statistics Authority (PSA) na may tig-13 data request.

Nauna ng pinasalamatan ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Duterte sa pagtupad nito sa isa sa kanyang pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive Order kaugnay ng FOI na layuning maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 2,387 total views

 2,387 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 13,871 total views

 13,871 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 29,560 total views

 29,560 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 30,438 total views

 30,438 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 40,643 total views

 40,643 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top